
“Let’s leave them (Maja and Gerald) alone. They’ve asked for respect and privacy, let’s leave it to them. What they’ve gone through wasn’t that simple anyway.” – Kim Chiu
by PSR News Bureau
Magmula ng pumutok ang balitang hiwalay na nga sina Gerald Anderson at Maja Salvador, marami na ang nag-aabang sa magiging reaksiyon ng ex-girlfriend ni Gerald at former BFF ni Maja na si Kim Chiu. Kaya’t hindi na pinalagpas pa ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ang pagkakataon nang kami ay maanyayahan para sa launching ng first solo album ni Kim Chiu kahapon. Tinanong naming kasama ng iba pang kasama naming sa panulat kung anong masasabi ni Kimmy ukol sa paghihiwalay ng dalawa.
“Wala na po ako diyan. Siguro, it’s their decision and nasa kanila na yun. And they are asking for respect and privacy, so ibigay na natin yun sa kanila. Kasi hindi naman simple yung mga bagay na pinagdaanan nila,” paliwanag ng Chinita Princess.
When asked kung feeling vindicated siya dahil nasa kanya pala ang huling halakhak dahil hindi rin naman pala magtatagal ang relasyon nina Gerald at Maja, halatang umiiwas si Kim sa kanyang naging sagot, “Sobrang okay na kami. Kung ano yung nakikita ninyo sa pictures, lahat ayos na.”
Paano kung humingi ng comfort si Maja sa kanya dahil dati naman silang mag-bestfriend, tutulungan ba niya ito?
“Alam ko naman na strong siya (Maja). Kaya alam kong kayang-kaya niya yun. Sobrang strong siya at marami siyang friends around her na makakapagpa-happy sa kanya.”
Nang matanong si Kim kung willing pa ba siyang maka-trabahong muli ang dating nobyong si Gerald, ito ang kanyang naging tugon, “Okay lang po, kahit anong trabaho naman ang ibigay sa akin wala naman pong magiging problema. Pero huwag muna siguro ngayon. Let all wounds heal muna.”
Si Kim ay naglabas ng kanyang first solo album na may pamagat na Chinita Princess. Ilan sa mga kanta na nakapaloob sa album na ito ay ang mga awiting Darating Din, Say We Don’t Care (na ayon kay Kim ay para sa mga bashers niya), Someday (na tumatalakay sa pagmu-move on na tila bagay na awitin niya para sa ex niyang si Gerald), Wala Man Sayo Ang Lahat (revival niya ng kanta ni Myrus), Express Yourself at ang carrier single na Mr. Right (na dedicated daw niya para kay Xian Lim).
2007 pa noong huling naglabas ng kanta si Kim na may titulong Gwa Ai Di, ito yung mga panahong kakalabas pa lang niya sa bahay ni Kuya at fresh pa sila ni Gerald Anderson from Pinoy Big Brother Teen Edition. Ngayon lamang muling nakapaglabas ng album si Kim at sa pagkakataong ito’y solo album na niya talaga. Masaya ang dalaga na nabigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng sariling album at muling makapag-record ng mga awitin.
Hanggad ni Kim na sana’y tangkilikin ng fans ang kanyang Chinita Princess album under Star Music ay mabibili na simula April 27 sa mga record bars.