May 24, 2025
“I like being paired with different men. I find it exciting and challenging.” – Eula Caballero
T.V.

“I like being paired with different men. I find it exciting and challenging.” – Eula Caballero

Mar 26, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

Eula-Caballero-2Para kay Eula Caballero, mas exciting at mas challenging kung naipapareha siya sa iba’t-ibang leading men.

“The more, the merrier. Mas advantage nga sa akin because I get to know a lot of actors. It’s also a learning experience for me dahil nakakasalamuha ko ang iba’t-ibang tao. I get to know iyong work ethic nila at natututo rin ako sa techniques nila when it comes to acting”, sey ni Eula.

Pero, nilinaw ni Eula na hindi siya playgirl, the fact na paiba-iba siya ng leading men.

“I’m a one-man woman. Kapag nagmahal ako, loyal ako,” depensa ni Eula.

Ayon pa kay Eula,kahit may ka-love team siya o solong bida, wala namang ipinagkaiba dahil buo ang suportang ibinibigay sa kanya ng mga fans at followers.

Naniniwala rin si Eula na ang pagkakaroon ng ka-love team ay isang rite of passage na pinagdadaanan ng sinumang artista.

Sa mga nakatrabaho mo na, kanino ka pinaka-comfortable?

“Siguro kay Martin Escudero. Nakatrabaho ko siya sa Wattpad series na “Just for a While” at bilang actor, napakagaan niyang kasama. Maybe dahil iyong thinking namin, pareho kami ng wavelength,” esplika ni Eula.

Sino namang ka-loveteam mo ang masasabi mong pinakapatok sa masa?

“Lahat naman sila, maganda ang feedback. Pero, iyong highest rating na ginawa ko sa Wattpad, siguro iyong kay Carl (Guevarra) na nakasama ko sa “Almost a Cinderella,” bida niya.

Sina Steven Silva at Bret Jackson na kapuwa may foreign blood ang mga bagong leading men mo rt-14-steven-eula-bretito sa bagong Wattpad series mo. Hindi sila ganoon ka-fluent sa pagsasalita ng Tagalog. Hindi ka ba nahirapan sa kanila?

“Hindi naman. Ako nga, Cebuana ako pero hindi rin ako ganoon ka-fluent inTagalog. Si Steven is from Davao samantalang si Brent is from Dumaguete. More or less, nagkakaintindihan kami in our regional dialects and sometimes we talk in English,” aniya.

Kumusta naman sina Steven at Bret bilang leading men?

“Si Bret, sanay na ako sa kanya. We worked together in “Trip in Love or Fall in Love”. Kay Steven naman, nagkakasundo kami dahil masaya siyang katrabaho at kakuwentuhan,” pagtatapat ni Eula.

Walang love life si Eula ngayon dahil nagtapos na ang ‘special relationship’ niya sa isang non-showbiz guy na lately ay trina-try nilang i-work out.

Papel ng isang babaeng nagpanggap bilang isang lalake para sundan ang kanyang ex ang role ni Eula sa “Wattpad Presents: Lady in Disguise.”

Mapapanood ang episode, alas -nuwebe ng gabi simula April 6 hanggang 10 sa TV 5.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply