
Little Big Star champ Rhap Salazar tweeted against non-singers; Lea Salonga, Vice Ganda, Gary V. and Boy Abunda reacts
By PSR News Bureau
Naging usap-usapan sa social media at sa industriya ng showbiz ang ginawang pag-tweet ng 19-year-old na si Rhap Salazar laban sa mga artists na nagli-lipsync sa TV. Himutok niya pa na ang iba nga’y nagkakaroon pa ng album at nagiging platinum pa. Sabi ni Rhap sa kanyang Tweet: “I hate seeing artists lip-syncing on TV…Yung iba nagkaka-album pa. That’s my opinion guys. Thanks for understanding.” Umani ng magkahalong reaksyon ng tao ang nasabing tweet. Ang iba ay sumangayon sa kanyang naging pahayag gaya na lang ng mag-amang Gary at Paolo Valenciano habang ang iba ay naglabas ng kanilang mga paniniwala tulad na lang nina Vice Ganda, Lea Salonga at Boy Abunda.
Sabi ni Gary Valenciano, “I think in the recent past kasi, if you see kung ano yung pinagdadaanan talaga ng mga singers, nakakaawa rin. Talagang marunong kumanta pero hindi masyadong napapansin dahil ang nabibigyan ng priority ay yung visually appealing.” “Rhap has the authority to say it..kailangan niya pang dumaan sa mga contests para maabot kung anuman ang kanyang narrating sa ngayon. To think, he has an incredible voice,” pahayag pa ni Gary.
“Our country, the Philippines, glorifies a multitude of singers that can’t sing, actors that can’t act, dancers that can’t dance, unfunny comedians, directionless directors and so many other con artists that take themselves too seriously; and proudly measure stardom by sheer looks and justify success by fame…Glad to see there are some youngsters on the offensive for once,” wika naman ng anak ni Gary V na si Paolo Valenciano, isang musical director. Sinabi pa ng nakababatang Valenciano na wala naman daw dapat ihingi ng apology si Rhap sa mga tao dahil sariling opinyon lang naman daw ito ng singer.
Ayon naman sa komedyanteng TV host na si Vice Ganda, hindi tama na husgahan ni Rhap ang mga artists na hindi mang-aawit. “Do not hate people, ano man ang ginagawa nila. Why will you hate people na wala naman nilalabag na batas? Hindi naman inapakan ang karapatang-pantao mo?”
Dagdag pa niya, “Sa pagtupad ng mga pangarap natin, hindi naman natin sinabi sa mga totoong singer na hindi na, ‘Hindi na kayo puwedeng gumawa, kami na lang.’ Wala naman tayong ipinagkait sa lahat, kaya marapat lang na pagbigyang lumigaya ang mga hindi tunay na singers.”
Para naman sa popular na manager at TV host na si Boy Abunda, hindi rin ito sumasangayon kay Rhap. “I disagree though with Rhap because even the best artists, even the most brilliant singers, have to lip-sync depending on the circumstances. It could be a technical issue, hindi siya evil, hindi siya masama. Hindi pandaraya ang paglip-sync, kailangan siyang gawin paminsan-minsan.”
Pinayuhan pa nga nito si Rhap, “Sa halip na kamuhian ang mga artists na hindi singer ngunit nagli-lipsync, mas mabuting panoorin mo sila. Discover what makes them tick. Review your brand essence and equity. Ano bang ginagawa nila na hindi mo kayang gawin? Dahil sa iyong kagalingan at talento, sigurado ako na mayroon kang kalalagyan. Ganyan ang dapat gawin, ang isang bagay na negatibo ay gawing positibo.”
Hindi rin naging pabor sa sinabi ni Rhap ang international singer na si Lea Salonga. Aniya sa kanyang opisyal na Twitter account, “Should I begrudge a non-singer for releasing an album? I say no. But I sure as hell won’t buy it, promote it, recommend it, or listen to it. So perhaps the change to the marketplace needs to come from the consumers, to stop the demand for non-singers’ albums.”
Dahil kaagad na naging viral ang nsabing post ni Rhap kung kaya’t pinaniniwalaan ng ibang tao na mayroong pinapasaringan si Rhap katulad na lang ng sikat na love team na JaDine, kung kaya’t dumami ang mga bashers nito at umani ito ng mga batikos. Kaagad namang klinaro ni Rhap na isa lang itong tweet at wala siyang direktang gustong pasaringan dito, bagkus nagpahayag lang siya ng kanyang opinion bilang isang mang-aawit.
Si Rhap Salazar ay nagsimula bilang Little Big Star Grand Champion winner na isang patimpalak sa ABS-CBN. Nagwagi rin ito bilang Junior Grand Champion Performer of the World at Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World noong taong 2009 sa World Championships of Performing Arts. Nagkamit din si Rhap bilang “Best Performance by a New Male Recording Artist” sa Awit Awards noong 2010.