May 24, 2025
Living with ADHD: LA Santos hopes to inspire millennials
Latest Articles

Living with ADHD: LA Santos hopes to inspire millennials

Apr 11, 2018

May concert ang Singing Idol na si LA Santos kung saan siya ang magsisilbing front act sa “Ian In 3 Acts” na palabas na sa Cebu Waterfront Hotel sa April 21 at sa Resorts World Manila sa May 13.

“Bago po siyang concept kasi first time ko pong makakasama sa isang concert si Ian Veneracion. Iba iyong gagawin naming atake. Kumbaga, it is something na bago lalo pa’t makaka-jamming ko siya,” sey ni LA.

Ayon pa kay LA, kung meron man silang pinagkakasunduan ni Ian, ito ang passion nila for music.

“Nagkakasundo po kami kahit po sa mga kalokohan. Kahit iyong pang-tambay lang na jamming. Nakikita ko rin po na nag-e-enjoy siya sa music niya,” kuwento niya.

“Sobrang chill din po niyang tao, hindi mo mararamdamang superstar siya. Madali siyang kausap. Sobrang bait niyang tao,” dugtong niya.

received_10215519337606995

Happy rin siya dahil nakakuha raw siya ng kaibigan kay Ian na parang ama na rin ang turing niya.

“Tinuturuan niya ako ng mga kapilyuhan.Actually, hindi naman mawawala iyon. Siyempre iyong tipong kung paano kumausap sa mga girls. The usual na daddy na may itinuturo sa anak niya on how to court girls,” pagbubunyag niya.

Proud din niyang ibinalita na nakapag-compose na siya ng sariling orihinal na composition.

“May single po akong lalabas. Ako po ang nag-compose noon,” tsika niya.

Dagdag pa niya, pagdating daw sa pag-awit, lagi raw niyang ina-update ang kanyang skills.

“Nag-transition po ako sa hiphop RNB from pop,” bulalas niya.

”Iyon na rin po kasi ang tungo ng mga millennial. As a millennial, nakaka-relate naman po ako sa music nila. Kumbaga, nagustuhan ko na rin po at doon na rin ako nagsulat ng songs at maganda naman ang kinalabasan,” pahabol niya.

received_10215553115771428

Kahit maraming mga baguhang singers na nagsusulputan, hindi raw naman nasisindak si LA sa competition.

“Hindi naman po ako natatakot sa competition. Pare-pareho lang naman po kami ng hinahabol. Pare-pareho lang po kami ng passion. Doon lang ako po dumidikit kung ano iyong gusto ko, although gusto ko rin pong mag-try ng ibang genres,” pagtatapat niya.

Nasubukan na ni LA na magbida sa pelikulang “DAD” (Durugin ang Droga) at maging recording at concert artist.
Kung may gusto man siyang i-try, ito ang teatro.

“Hindi ko pa kasi natra-try ang theater, so kung may chance po, gusto ko siyang subukan,” deklara niya.

Goal ni LA na magkaroon ng hit song at makilala bilang versatile artist at isang well-respected OPM artist.

Hindi rin niya ikinahihiya ang pagkakaroon niya ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).

“Gusto ko sa part ko na maging inspiration sa mga tao. Na hindi hadlang iyong kapansanan para mag-excel ka sa buhay.

“Gusto ko maging image para sa kanila na lahat ay pwedeng mangyari.”

Si LA ay kasalukuyang nag-aaral sa UST bilang grade 11 sa senior high school.

(Entertainment editor: JOSH MERCADO)

Leave a comment