May 24, 2025
Liza Dino dreams of working with her hubby Aiza in a movie
Latest Articles

Liza Dino dreams of working with her hubby Aiza in a movie

Apr 12, 2016

Archie liao

by Archie Liao

liza and aiza
Photo sent by Archie Liao

Pangarap ng beauty queen turned award-winning actress na si Liza Dino na makasama ang kanyang asawang si Aiza Seguerra sa pelikula.

“Actually, isa iyan sa mga dreams ko. Maraming nag-o-offer sa amin ng storylines kaya langinihahanap namin siya ng tamang timing”, ayon kay Liza.

Ano ang dream project nila ni Aiza?

“It’s an advocacy para sa LGBT community. You know naman, kung gaano ang suporta namin ni Aiza sa LGBT. There’s already something brewing at our end”, sey niya. Masaya ring ibinalita ni Liza ang kahandaan ni Aiza na pasukin na rin ang pagdidirek ng pelikula.

“Gusto kong suportahan iyong goal niya na magdirek na rin. Actually, tapos na iyong short naming ginawa”, aniya. “Gusto rin niyang mag-apprentice sa mga director para magkaroon siya ng field experience”, pahabol niya.

Ayon pa kay Liza, bilib na bilib siya sa dedikasyon ng kanyang better half sa kanyang craft.

“Aiza is such an amazing actor. It’s just that hindi pa nata-tap iyong ibang potential niya dahil sa mga nagawa niyang pelikula noong growing years niya”.

liza dino
Photo sent by Archie Liao

Willing ba si Aiza to do woman roles?

“Yes. Actually, may mga ginawa na siya noon sa stage kung saan nagsuot siya ng bestida. As an actor, you should be very sa challenge to do different roles para mag-evolve ka at lumawak ang range mo”, pahayag niya. Excited si Liza dahil nasa cast siya ng “Dyamper” ni Mes de Guzman, kalahok sa 2nd Sinag Maynila film festival.

“It’s a very commendable film. Proud ako dahil we are given the opportunity to show the life of people sa rural areas. Very regional iyong film kung saan you will get see how people survive in those areas at kung bakit sila nasa ganoong situwasyon ”, pagbubunyag niya.

Deglamorized ka raw dito sa “Dyamper”. How did you welcome the change?

“Oo nga . Kasi you get to see me na medyo social o parang kolehiyala ang peg before. It’s actually a challenge for me. The challenge lies in how credible you can tackle such kind of roles with justice kasi I’m basically a probinsiyana here”. Dagdag pa niya, pivotal ang role niya sa “Dyamper”.

“Bale ako iyong object ng motivation ng mga characters dito. Dati akong prostitute na piniling magbuhay probinsiya. Noong nagkasakit ang asawa ko, ako iyong naging recipient noong mga goods at bigas na ninanakaw noong gang nina Alchris, Carlo at Tim.”

Willing ka pa bang magpa-sexy sa mga pelikula mo?

“Oo naman. Wala namang problema sa akin as long na kailangan. Iyong last movie ko na “Toto”, I did a sexy scene. Tapos, dito sa “Dyamper”, may ginawa rin akong kakaiba.”

Hindi ka ba pinagbabawalan ni Aiza sa pagpapa-sexy mo?

“Hindi. Kasi naiintindihan naman niya iyong trabaho ko tulad ng pagkakaintindi ko sa trabaho niya. Actually, we support each other”, pagwawakas niya.

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Ang “Dyamper” ay isang napapanahong kuwento ng mga magnanakaw ng kargamento ng bigas

sa Dalton Pass na talamak na nangyayari sa Northern Luzon.

Kasama rin sa cast sina Alchris Galura, Carlo Aquino, Tim Mabalot, Kristoffer King at Debbie

Garcia.

Ang “Dyamper” ay kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival at mapapanood sa piling SM

Cinemas mula Abril 21 hanggang 26.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply