
How Liza, Enrique describe Kristine Hermosa
Kasama si Kristine Hermosa sa “Bagani” na pinagbibidahan nina Liza Soberano, Makisig Morales, Matteo Guidicelli, Zaijan Jaranilla, at Enrique Gil.
Gumaganap dito ang misis ni Oyo Sotto bilang kontrabida.
Sa Finale mediacon ng nasabing fantaserye ng ABS-CBN 2, puring-puri nina Liza at Enrique si Kristine, hindi lang sa ganda nito, kundi pati rin sa pagiging co-worker.
Sabi ni Liza, ”The first time I saw her was also the first time I saw her up-close. As in na-mesmerized talaga ako. As in ’Naku, Oh My God, ang ganda niya!” Parang ayaw ko siyang tabihan.
“Akala ko rati, maputi ako, pero ‘pag katabi ko siya, grabe ‘yung kutis niya, ang ganda, ang kinis. As in ang ganda niya. Tapos magaling pa niyang umarte.
“And she’s very professional. Kasi iisipin mo, siyempre, she has not been accepting ‘yung mga projects na binibigay sa kanya for how many years now.
“Kaya nagulat kaming lahat, when she accepted the offer (to be part of Bagani). And of course iniisip ko, “Ay, baka nakakatakot siyang kaeksena, baka nanglalamon. But no. She knows how to give way her co-actors as well. Siyempre, meron po akong mga mabibigat din na scenes with her, she really allowing me to take my time.”
Sabi naman ni Enrique tungkol kay Kristine,”She’s a sweetheart. All I have to say is she’s amazing. I remember I told her na “Alam mo ba ‘yung lola ko, favorite ka at si Echo (Jericho Rosales). Sayang lang at di niya (lola ni Enrique) na inabutan na nakasama ko si Tin sa teleserye.”
Parehong nag-lose ng weight sina Liza at Enrique, unlike dati, na medyo mataba sila. Resulta ba ito ng lagi silang pagod at puyat sa taping ng Bagani?
Sagot ni Enrique, “I think malaking factor ‘yun. Pero I think, it’s also, you know, choice namin to be a little more healthier.”
Sagot naman ni Liza, “Also, I’ve been training simultaneously, despite na meron akong taping and shooting (para sa Darna) na ginagawa. I’ll make sure that I get to a gym at least 5 or 4 times a week.”
Sa pagiging slim ngayon ni Liza, proud si Enrique.
“Super sexy. Ibang klase. Compared to before. She really works out really hard. I can see na pati sa diet niya, sa kinakain niya everyday, na she’s very strict. And it shows. Pati sa taping, sina direk sinasabi, grabe na, ang payat na. I’m really really proud of her. And para sa akin, siya talaga si Darna.”
Tumutok lang sa huling linggo ng “Bagani” para malaman kung ano ang kahihinatnan ng Sansinukob at ng mga Bagani.
Panoorin ito gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” sa ABS-CBN 2.