
Liza and Enrique prove charm; Raymart spends time with his children; Klinton Start shows versatility in dancing
Wala talaga kaming masabi sa pagiging bankable ng loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ang latest movie nilang My Ex and Whys mula sa Star Cinema ay isang certified blockbuster.
Kumita na agad ito ng 31.5 million sa unang araw pa lang ng showing nito nung Wednesday.

Saksi kami sa pagiging blockbuster nito dahil nakita namin kung gaano kahaba ang pila sa SM North Edsa Cinema 5, kung saan palabas dun ang pelikula, nung napadaan kami run.
Nag-text nga kami sa kaibigang Ogie Diaz, na manager ni Liza para sabihin sa kanya na iparating ang aming pagbati ng congratulations sa kanyang alaga.
Isa rin siguro sa dahilan kung bakit naging blockbuster ang My Ex and Whys dahil nasabik ang fans ng dalawa na muli silang makita sa big screen.
Last year kasi ay hindi sila gumawa ng pelikula. Two years ago pa yung huling pelikulang ginawa nila na Everyday I Love You na nakasama nila rito si Gerald Anderson
To LizQuen, Star Cinema at sa lahat ng bumubuo ng My Ex and Whys, our congratulations.
*********
Ang pagkakaalam namin ay galit pa rin si Claudine Barretto sa kanyang mister na si Raymart Santiago kaya nagulat kami nung makita namin sa instagram account ng aktor ang mga picture niya na kasama ang dalawang anak na sina Santino at Sabina.
Kuha ang larawan mga February 12 at 13.
Dalawang araw nakasama ni Raymart ang mga bata kaya naman kitang-kita sa mukha ng bunsong kapatid ni Randy Santiago ang sobrang kaligayahan.

So kung ganyang nakasama ni Raymart sina Sabina at Santino, ibig kayang sabihin nito na hindi na galit sa kanya si Claudine dahil ipinahiram nito sa kanya ang kanilang mga anak?
O baka naman isinantabi na muna ni Claudine ang galit niya kay Raymart alang-alang sa dalawang bata?
*********
At this point, gusto ko lang ipakilala si Klinton Start, 14 years old, ang tinaguriang The Heartthrob Dancer dahil bukod sa mahusay nang sumayaw ay gwapo pa.
Grade 9 na siya sa St.John of Beverley sa Novaliches, Quezon City.
Bukod sa isang dancer ay isa rin siyang ramp model. Nasa pangangalaga siya ng House of Model Elle.
At the age of 13, tinanghal siyang 2nd runner up nung sumali siya sa Mr.Runway 2015.
O di ba, siya ang pinakabatang ramp model na nanalo run? Kaya naman proud na proud sa kanya ang kanyang mga aunties na sina Haye at Ann.
Last February 11 ay nagkaroon ng Pre-Valentine concert si Klinton sa Casino Filipino Pavillion billed as Valentines Dream Concert… Live na nakasama niya rito sina Marissa Sanchez, Maricar Aragon at Josh Yape.
Ipinakita rito ni Klinton ang galing niya sa pagsasayaw kaya naman marami siyang pinahanga.
Soon ay mapapanood na rin sa pelikula si Klinton mula sa direksyon ng aming kaibigang si Direk GM Aposaga.