
“Liza Soberano is more beauty queen material than Winwyn Marquez.”-Renee Salud
Si Liza Soberano ang nakikita ng fashion designer at beauty queen maker na si Renee Salud or Mama Renee sa showbiz na may potensyal na maging beauty queen.
“Gusto ko ’yung bata na iyon [Liza], matangkad siya, exotic ang look, mestisa pero kita mo ang pagka-Pilipina niya,” bulalas niya nang makatsikahan ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). Diretso ring sinabi ni Mama Renee na hindi niya nakikita si Winwyn Marquez na magiging isang beauty queen tulad ni Melanie Marquez.
“Of course, iba si Melanie, eh. Si Melanie, sa kalye pa lang, naglalakad pa lamang, kita mo na agad siya. At saka, palibhasa nga, I did a lot of fashion show all over the world, eh, di dala-dala ko ’yan [Melanie], kitang-kita agad siya,” kuwento pa ni Mama Renee.
“Si Winwyn, hindi ko nakita sa kanya si Melanie. Maliit, eh. Mag-artista na lang siya. Magsayaw siya, mag-kontrabida na lang siya. Kasi nga ’yung look pati niya, matapang,” komento pa niya sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.
Sinabi pa ni Mama Renee na ‘pag may lumalapit sa kanya na gusto sumali sa beauty contest at wala siyang nakikitang potensiyal, sinasabihan na lang daw niya na mag-aral na lang.
“Kasi why give them false hope? Kapag nakitaan ko naman ng potential, inire-recommend ko agad, ganoon ka-simple,” bulalas pa niya.
Si Mama Renee ang project director ng Carinderia Queen na nagsasabing ang hinahanap niya bukod sa magagadang nagkakarenderiya ay yung mapagbigay at totoong nagre-represent sa carinderia business. Mas pinili niyang mag-focus dito kaysa sa ibang pageants dahil nagustuhan niya ang konsepto nito na hindi lang physical beauty ang requirements kung hind imaging yung talagang pwedeng maging representative ng carinderia industry.
Ang mga contestants ay kailangang nagtatrabaho sa carinderia as the owner, cook, cashier or food server or involved in it as a beneficiary or relative.
Si Linda Legaspi of Marylindbert International Inc., ang organizer ng nasabing pageant/contest. Present sa naturang launch ang past three winners ng Carinderia Queen including Sheryl Lolos, na 2014 winner at owner ng 2 karenderiya.
Sa taong ito , the Buhay Carinderia goes on tour para maghanap ng 40 contenders na sasailalim sa training ni Mama Renee Salud at ang pageant ay gagawin sa December 8, 2015 sa World Trade Center. Prizes include cash and appliances for the grand winner,runners-up and special awardees. Isa sa mga kinuhang judge sa taong ito ay ang former beauty queen na si Desiree Verdadero.