
Liza Soberano celebrates 18th birthday with a surprise boho party
by PSR News Bureau
Hindi inaasahan ni Liza Soberano na mayroong sorpresang party para sa kanyang debut kahapon, January 4, kung saan siya ay opisyal nang dalaga sa edad na 18. Nangyari ang sorpresang selebrasyon sa Club Balai Isabel sa Talisay, Batangas. Nasorpresa talaga ang aktres. Kung siya kasi ang masusunod, ayaw talaga ng dalaga na magkaroon siya ng espesyal na selebrasyon o party para sa kanyang debut. “Ayaw talaga ni Liza kahit anong pilit. Dahil nakaka-stress nga naman yung ganung debut. Pero wala siyang nagawa kasi marami ang nagmamahal sa kanya na gumawa talaga ng paraan para maging memorable ang 18th birthday niya,” sabi ng Tita Joni Lyn Castillo ng aktres.
Sumangayon naman agad dito ang aktres: “Hindi po ako talagang sanay mag-celebrate ng birthday kop o, lalo na kung parang debut, yung traditional debut. I do not like wearing gowns. I don’rt like dancing on the dance floor. Hindi rin po ako mage-enjoy so huwag na lang po.”
At dahil nga sa iyon ang naging kahilingan ng batang aktres kung kaya’t imbes na magkaroon ito ng debut, nagkaroon si Liza ng pagkakataong mag-spend ng panahon at pagtulong sa mga charities, isang bagay na sinimulan niya mula noong buwan ng Disyembre. Nagawang sorpresahin ng mga nagmamahal kay Liza ang aktres dahil sa isang team-building activity na mala Amazing Race kasama nito ang ilang fans. Walang kaalam-alam si Liza na mayroon palang inihahanda para sa kanya na party kasabay nito.
Imbes na 18 roses at candles, 18 songs ang inihandog kay Liza ng kanyang pamilya at kaibigan sa maiksing programang inihanda nila para sa dalaga. Inayusan rin si Liza bilang isang Bohemian chic ni Perry Tabora at may makeup ni Mickey See at inayos ang buhok niya ni Renz Pangilinan. Pero ang pinaka naging highlight ng gabi ni Liza ay ang pagbati at mismong presensiya ng kanyang mga pinakamamahal na kapatid na lumipad mula sa Amerika upang makasama lang niya sa espesyal na araw ng kanyang kaarawan.
Isa ito sa pinakamimithi ni Liza. “I always only wish for one thing, my wish is that my family could be whole, complete, that’s all.” Kung kaya’t nang makita niya ang kanyang mga kapatid, walang pagsidlan ang tuwang nadarama ni Liza. Naroroon din siyempre pa si Enrique Gil, ang kanyang loveteam na sinamantala ang pagkakataon upang makilala at makabonding ang buong angkan ni Liza, lalo’t higit ang kanyang mga kapatid.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) Happy Birthday Liza!