
LJ Moreno-Alapag knows her top priority
Super saya at kuntento nga ang mga hosts ng ‘Happy Wife, Happy Life’ na sina Mariel Rodriquez-Padilla, LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris at bagay nga raw sa kanila ang show na napapanood sa TV 5.
Ayon kay LJ Moreno-Alapag nang makausap ito ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ay super happy wife nga raw silang tatlo talaga in real life, tulad ng title ng show nila. “Happy in the sense na contented and talagang spoiled din naman ako kay Jimmy [Alapag ang mister niyang isang PBA basketball star] as far as alaga and everything,” simulang kuwento ni LJ.
“Si Jimmy kasi siya pa nga yung laging naghahanap sa akin. Siya yung mas nagre-report, so hindi ko siya kailangan hanapin, alam mo na yun?,” natatawang bulalas ni LJ.
Good provider nga raw ang mister niya at lagi pa raw sinasabi nito sa kanya na she doesn’t have to work dahil kaya naman siyang buhayin nito at bigyan nang marangyang buhay.
Pero dahil nanggaling nga sa showbiz si LJ bago sila nagkakilala ni Jimmy ay hindi matanggihan ni LJ ang offer ng TV 5 para maging host ng ‘Happy Wife, Happy Life.’“Wala naman problema sa kanya, as long na alam ko raw ang priority ko, That`s why pumayag din siyang gawin ko ito [TV show]. Noong una, trial lang yung season 1,” sabi pa ni LJ.
Hindi pa man natatapos ang season 2, pero siguradon na dawn a may season 3 ang ‘Happy Wife, Happy Life.’ Pero kapag medyo raw sumosobra na si LJ sa work ay pinaaalalahanan siya ni Jimmy na huwag kalimutan ang kanyang priority, ang kanilang anak. “Ang ayaw niya lang kasi ay naiiwan yung mga kids sa bahay na walang kasama.
Basta he [Jimmy] would always remind me that my top priority should always be my kids.”
Talaga raw istrikto sa time management ang mister niya kaya she make it a point na ang pagiging wife and mother ang priority niya. “Sinuportahan niya na lang ako kasi name-miss ko din ang limelight dahil matagal din naman ako sa showbiz at hinahanap-hanap ko rin ito. If I’m not busy with work, I tend to work naman for our Lollycake business na lumago din naman dahil may 5 franchise stores na ito. Hands-on din si LJ sa business niyang ito dahil kahit sa franchise stores ay siya rin ang nagbe-bake para siguradong masarap at hindi nagbabago ang sarap ng lasa.
Naungkat din namin kay LJ ang nangyaring pinasok ng magnanakaw ang kanilang tahanan. “Hindi po yung bahay namin ni Jimmy ang pinasok ng magnanakaw. Bahay po yun ng daddy ko at hindi sa amin. Nagtawagan nga ang pamilya ng mister ko dahil nag-alala. Hindi ko nga po alam doon sa mga pulis na nagbalita na bahay namin ang pinasok ng magnanakaw,” paglilinaw ni LJ Moreno.