
LJ Reyes’ sexy role on stageplay ‘Juego de Peligro’, “It’s for my job. It’s for an art.”
by Ronald M. Rafer
Nakalutang pa sa cloud 9 si LJ Reyes dahil sa magagandang reviews sa stageplay na ‘Juego de Peligro”. Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na everytime na may curtain call ay malalakas na palakpakan ang ibinibigay ng audience sa kanya. Naka-4 plays na sila at may mga susunod pa. Ikinuwento sa amin ni LJ ang kanyang unang karanasan sa teatro.
“Unang-una, gusto kong magpasalamat sa suporta na ibinigay sa akin ng GMA 7 sa pagtanggap ko sa project. I’m thankful na pinayagan nila ako pati na rin ang PPL family ko at sobrang supportive silang lahat sa akin. Actually, I’m doing “Yagit” pero naisingit ko ‘yung sa rehearsals ng play. Grabe! Sa rehearsals pa lang, madugo na..’yung reading namin…blocking and all.
“Sobrang maligaya ako na nabigyan ako ng ganitong oppurtunity na maranasan ang teatro. Every curtain call talaga, nanginginig ang baba ko. Basta, laging ganun. Siguro halo-halo na ‘yung emosyon ko. Nakakatuwa na tinanggap ako ng mga tao sa una kong stage play,” kuwento ni LJ sa amin.
Bagamat may pagka-sexy ang ‘Juego De Peligro’ sinabi ni LJ na hindi siya naghubad dito though medyo may pagka-sexy ang role niya.
“No, hindi ako naghubad dito. ‘Yung role ko lang ang medyo matapang. Si Arnold Reyes ang nagpa-sexy, nagpakita sya ng puwet. ‘Saka ‘yung ibang lalake na kasama namin sa play,” sey pa ni LJ.
Sa indie film na ‘Anino Sa Likod ng Buwan’ ni direk Jun Lana, inamin ni LJ na napapayag siyang magpakita ng boobs. Sa ganda raw ng script, at sa laki ng tiwala niya sa direktor, hindi na siya nagdalawang-isip na maghubad.
“Mas grabe ang ginawa ko dun! Mas grabe pa sa ‘Intoy!’ Grabe ‘yung lovescene! May frontal na upper! Pero maganda talaga ‘yung script at kailangan sa eksena ‘yung ginawa ko.
“Super thankful ako na nagawa ko ‘yung dalawang napakagandang projects…’yung ‘Juego…’ at ‘yung ‘Anino….’.
Ikinuwento pa ni LJ na dumating siya sa audition ni direk Jun Lana pero hindi na siya pinag-audition.“Sabi ko talaga, direk, sige na..audition na ako. Sabi ni direk, ‘wag na pero ako talaga gusto kong mag-audition. Hindi ko alam na sa akin niya ibibigay ‘yung pelikula.
“Grabe ‘yung love scene but I dont mind. Like what I said, sa ganda ng story, hindi mo siya itatapon. Kaya po siya sexy na masasabi..kasi ‘yung karakter ko…si Emma..kailangan din niyang gamitin ang pagkababae niya. Merong love scene…may exposure.
“Nung nakita ko nga siya sabi ko…ay ang pangit pala pag sarili mo ang pinapanood mo! Ha ha ha!”
Nailang ba siya nung gawin niya ang breast exposure?
“Nailang ba ako? Hindi eh..kasi nung sinu-shoot namin..naka-blocked na ako. Kapag hindi ko ginawa, magkakaroon ako ng wall at hindi ko kakayanin talaga. Although siyempre, minimal lang ang taong nandun.
“‘Yung cinematographer namin, nag-assist kay direk..pulos mga babae pa nga, eh,” sabi pa rin ng aktres.

Hindi pa mapapanood dito ang pelikula dahil ilalaban muna ito sa iba’t ibang film festival abroad pero sabi ni LJ, dapat mapanood ang movie para malaman namin kung bakit siya naghubad .
Kahit hindi inaamin ni LJ ang real score sa kanila ni JC De Vera, halatang may something special na sa kanilang dalawa. Sa tuwing babanggitin kay LJ ang name ni JC, kaagad itong ngumingiti kaya mararamdaman mong ito ang nagpapasaya sa kanya ngayon.
Hindi ba naman nakialam si JC sa ginawa niyang paghuhubad?
“Well, sa tanda ko naman na ito, wala naman na akong dapat pagpaalaman pa. It’s for my job. It’s for an art. Ang ganda-ganda ng film and I’m looking forward na mapanood ninyong lahat.”