May 23, 2025
“As long as they are not steppin’ on someone else’s toes, let’s just respect them.” Sylvia on Aiza and Liza’s wedding
Latest Articles

“As long as they are not steppin’ on someone else’s toes, let’s just respect them.” Sylvia on Aiza and Liza’s wedding

Jan 13, 2015

john@fontanilla
by John Fontanilla

Sylvia Sanchez Fully charged na daw muli ang mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez at handa ng magtrabaho pagkatapos nitong magbakasyon sa Amerika. Pero kung ito daw ang masusunod ay gusto muna nitong mag bawas ng timbang bago muling humarap sa kamera.

“Medyo tumaba ako, need ko munang magbawas ng timbang. Alam naman natin na kapag nag-pasko at nag-bagong taon, hindi talaga maiwasang magdagdag ng timbang.

“Ayoko namang humarap sa kamera na malapad, gusto ko yung katulad ng dati na slim ako ha ha ha.

“Sa ngayon pursigido talaga ako mag lose ng weight at alam kong magagawa ko yun, dahil nagawa ko na yun dati.

Sa February daw ang target nitong bumalik sa paggawa ng teleserye ,

“Pero plano ko na sa February na mag start mag trabaho para mabigyan ko muna ng oras ang family ko o kaya tatanggap ako ng trabaho pero di tulad ng dati na habang may teleserye ako (Be Careful with my Heart) may guesting ako sa ibang teleserye (Pure Love) tapos may mga TV guestings ako at pelikula.

Sylvia“So this time gusto ko hinay hinay lang, ayoko ng sunod-sunod kasi halos di ko na makita mga anak ko or kung umuwi man ako tulog na sila at pag gising ko naman papuntang trabaho nasa school na sila.

“Pero may mga possible project na ipinakita sa akin si Tita Angge, meron na akong nagugustuhan bahala na si Ate Angge dahil siya naman ang manager ko para makipag negotiate dun sa proyektong gusto kong gawin.”

Anong masasabi nya sa mga bumabatikos sa kasalang Aiza Seguerra at Liza Dino na itinuturing na rin nitong anakanakan?

“Aminin natin na dito sa Pilipinas hindi pa talaga ganun ka-open ang isip ng tao tungkol sa relasyon katulad [ng] kina Aiza at Liza, alam naman natin yun.

“Pero like ako ano naman ang magagawa ko kung nagmamahalan si Aiza at si Liza na nakikita ko naman na nagiging positibo naman kay Aiza.

“Sobra kong nakikitang sobrang saya ni Aiza sa kanyang buhay ng makasama niya si Liza at ganun din naman si Liza kay Aiza.

“At si Aiza mahal na mahal si Liza at ang anak nitong si Amara, kaya bakit ko pipigilan ang dalawang nagmamahalan?

“Kumbaga respeto na lang, gusto nila sa buhay nila yan at doon sila masaya eh di ibigay natin,

“Wala naman kasing makakapag bigay kasiyahan sa kanila kung hindi sila lamang at hindi ni isa man sa atin.

“Kaya sino naman tayo para hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa, sabi nga nila dito pumapasok yung mga taong di pabor sa pagpapakasal ng dalawa na sige na respeto na lang, anyways buhay naman nila yun.

“Kumbaga as long as walang tinatapakang ibang tao si Aiza at Liza okey na yun, kanya kanyang respetuhan na lang yun sa isat isa.

“Hayaan natin silang maging masaya kasi yun din naman yung gusto natin sa buhay ang maging masaya at walang kokontra o bumabatikos sa ginagawa natin .

“Ibigay natin sa kanila yung happiness na gusto nila dahil dun sila masaya.” Pagtatapos ni Ms Sylvia.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply