May 22, 2025
Lorna praises Rhea: She’s very generous, kind
Latest Articles

Lorna praises Rhea: She’s very generous, kind

Feb 3, 2023

Kitang-kita ang gandang Beautéderm ni Lorna Tolentino nang makausap ng mga taga-media sa grand opening ng Beautéderm Corporate Headquarters sa Angeles City.

Wala sa itsura niya, pero 61 years old na pala ang award-winning actress, “54 years na ako sa showbiz, 7 (years old) ako nag-start eh, 61 na ako ngayon,” sambit ni Ms. Lorna.

2017 siya nagsimula bilang Beautéderm endorser at isa sa dahilan kaya hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng kompanya ay ang sobrang kabaitan ng President at CEO nito na si Ms. Rhea Tan. 

“Kasi napakabait ni Ms. Rhea, kita nyo naman kumbaga, very generous… she’s very kind, lahat ng kabutihan ay nasa kanya.

“So, nakikita mo na unti-unti rin nagpo-prosper siya, hindi ba? Iyong success niya, it’s because iyon ‘yung parang bumabalik sa kanya. Hindi ba when you are so giving, iyon ang bumabalik, nakaka-receive ka ng magaganda?

“So, patuloy iyong pagtaas niya, patuloy iyong pagiging mas matatag niya bilang [CEO] ng Beautéderm. Hindi ba nag-start ito maliit pa lang, hanggang sa palaki na nang palaki, hanggang nasa ilang branches na, ilang ambassadors na. Nasa 80 na pala ang ambassadors ng Beautéderm, akala ko ay 60 pa lang, mali ako, hahahaha!” Mahabang saad ni Ms. Lorna.

Malaki ang tiwala ng aktres sa Beautéderm. 

“Parang kapamilya ko na talaga siya, kasi noong pandemic ay dito ako umuwi sa kanya for two weeks. Kasi sa bahay namin nagpandemya, lahat ng kasambahay ay lockdown sila. So ang mga bata, sila lang talaga on their own, iyong lahat ng kasambahay ay nasa isang lugar lang sila.

“So, hindi naman ako makauwi, kasi nga ay lock-in ako nang lock-in taping sa Ilocos. So, para hindi ako mag-Manila na, rito ako tumira sa kanya for two weeks, and after two weeks ay balik ako sa Ilocos.”

Ano ang reaction niya nang nakitang buo na ang building ni Ms Rhea?

Aniya, “Kasi nagpunta ako rito noong ginagawa pa lang, eh. Talagang as in bricks… iyon bang mga semento pa lang, pero makikita mo na may floors na, pero wala pa talaga lahat ito.

“So, siyempre nagulat ako na sobrang ganda… At oo naman, talagang makikita mo naman na talagang dugo at pawis ito, mamahalin lahat, eh.”

Nasa loob ng Beautéderm HQ ang luxury store na A-List Avenue. Suki ba siya sa A-List Avenue?

Masayang sagot ni LT, “Yes, suki ako sa A-List at nag-aabang ako palagi ng sale, hahahaha! Kapag sinabing sale, ganyan… idi-direct message ko na agad ‘yung sa A-List, na paki-tabi naman, hehehe.”

Star-studded ang naging grand opening and ribbon-cutting ceremony ng sosyal at magarang Beautéderm Corporate Headquarters. Bukod kay Ms. LT, kabilang sa ambassadors na present dito sina Sylvia Sanchez, Korina Sanchez, Darren Espanto, at Bea Alonzo. 

Sa building matatagpuan ang corporate operations ng kompanya, pati na rin ang iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group Of Companies gaya ng luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ang BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ang AK Studios na isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoots at video productions; at ang Beauté Beanery, na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.

Leave a comment