May 24, 2025
Lorna Tolentino, misterless for life
Latest Articles

Lorna Tolentino, misterless for life

Aug 1, 2015

arseni@liao

By Archie Liao

t-30-lorna Sa estado sa buhay ngayon ng grandslam queen na si Lorna Tolentino ay halos na siyang mahihiling pa. Ayon nga kay LT, happy na siya na maging misterless.

Nahanap na ng pinsan mong si Zsazsa Padilla ang kanyang special someone sa katauhan ni Architect Conrad Onglao. Hindi ka ba nag-aasam na makatagpo rin ng lifetime partner after Daboy [Rudy Fernandez]?

“Happy na ako sa estado ko ngayon. Okay na ako sa ganito,” aniya. Hindi ka ba naiinggit sa pinsan mong si Zsa Zsa? “Actually, I’m happy for her. She deserves naman to be happy,” sabi pa niya.

Wala bang nanaliligaw, umaaligid o nagbibigay ng ‘feelers’ sa iyo na ligawan ka? “Kung meron man, I’m not looking or searching for it. Darating rin naman iyon kung ibibigay ni Lord,” pahayag niya.

Dagdag pa ng magaling na aktres, mas enjoy siya sa kanyang pagiging lola kay Lyla Victoria, ang apo niya sa panganay na anak na si Rap, kung saan ibinubuhos niya ang kanyang quality time para sa kanilang bonding kapag walan siyang showbiz commitments.

“Iyong apo ko, siya ang bundle of  joy ko. Sa kanya  nakapokus ang atensyon at gusto kong masubaybayan ang kanyang paglaki,” pagwawakas ni LT.

Dugtong pa ni LT, parang tailor-made nga raw ang role niya sa pinakabagong sitcom ng TV 5 na “Misterless Misis” dahil sa tunay na buhay ay misterless siya kaya nakaka-relate siya sa mga sitwasyon na tatalakayin sa nasabing TV show.

Kabituin ni LT sa ‘Misterless Misis’ sina Ruffa Gutierrez at Gelli de Belen at mapapanood na simula sa Agosto 2 sa ganap na alas-9 ng gabi sa TV 5.

Leave a comment

Leave a Reply