
“I portrayed my role easily because the manner the story is written is figuratively synchronal as I characterize the role.” – Lorna Tolentino; Portrays as mother of Kathryn in ‘Crazy Beautiful You’
by Arsenio “Archie” Liao
Maraming beses na ring nakaganap ng mother roles ang grand slam queen na si Lorna Tolentino kung saan ang iba rito ay nagpanalo sa kanya ng best actress awards sa iba’t-ibang prestihiyosong award-giving bodies.
Ngayon, muli na namang masisilayan ang kanyang galing sa pelikulang ‘Crazy Beautiful You’, na nagtatampok sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Paano napunta sa iyo ang role para gumanap ng ina ni Kathryn sa pelikula, unang tanong ng Philippine Showbiz Republic (PSR)?
“Si Inay Lolit kasi ang nagsabi sa akin na may gagawin akong project sa Star Cinema. It was supposed to be directed by Rory Quintos, pero noong shoot nalaman ko na hindi na siya ang magdi-direk dahil committed na siya sa ‘Pangako sa Iyo’. Si Direk Mae (Cruz) ang director namin which is okay rin naman sa akin dahil pareho silang magaling,” paglalahad niya.
Ano ang kaibahan ng papel mo rito sa mga mother roles na nagampanan mo na sa mga nakaraang pelikula mo?
“Iyong role ko kasi rito, tumimo talaga sa puso. Nasapul ako. Maganda ang pagkakasulat ng kuwento at iyong paraan kung paano ipinakita at niresolba iyong conflict ng mother and daughter, nagustuhan ko,”paliwanag niya.
Paano mo binigyan ng bagong atake ang role mo rito bilang ina ni Kathryn?
“Iyon kasing klase ng paglalahad, doon naka-base ang karakter ko. Hindi na siya kailangang i-elaborate dahil sa mga eksena lang kuha mo na at marami nang sinasabi. Kuha mo na agad iyong conflict ng mag-ina. Kumbaga, pinag-isipan talaga ang paghahabi ng kuwento at pati ng mga eksena kung paano magiging epektibong maipakikita sa pelikula”.
May expectations ka ba sa mga co-stars mo habang ginagawa mo ang mga eksena mo?
“Actually, magagaling naman sina Kathryn at Daniel. Kung may nakikita man akong kapuri-puri sa kanila, iyon ay iyong passion nila for work”.
Bilang respetadong aktres na naipareha na sa mga magagaling at premyadong actor, ano ang maipapayo mo kina Kathniel para mapalakas pa ang kanilang love team?
“Nakikita ko naman sa kanila na very good friends sila. Malakas ang love team nila at nag-e-enjoy sila as good friends. So, hayaan na lang natin sila sa ganoon. Darating naman ang panahon na magiging okey na okey sila together. If ever na may mai-a-advice ako siguro, iyong maging totoo lang sila, mahalin nila ang kanilang mga fans at maging passionate sila sa craft nila”.
Nahanap na ng pinsan mong si Zsazsa Padilla ang kanyang special someone. Hindi ka ba nag-aasam na makatagpo rin ng lifetime partner after Daboy?
“Happy na ako sa pagiging lola ko. Okay na ako. Darating rin naman iyon kung ibibigay ni Lord pero sa ngayon, I’m not looking or searching for it,” pagtatapos ni LT.
Papel ng isang inang desperadang makuha ang pagpapatawad ng kanyang anak na babae ang ginagampanan ni LT sa ‘Crazy Beautiful You’.
Maliban kina Kathniel, nasa cast rin sina Gabby Concepcion at Inigo Pascual sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Ang “Crazy Beautiful You” ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Pebrero 25 bilang handog ng Star Cinema sa buwan ng mga puso.
Follow me…