May 23, 2025
“I could lose my title if I’m going to wear a swimming trunk.” – Neil Perez, Mister International 2014
Latest Articles

“I could lose my title if I’m going to wear a swimming trunk.” – Neil Perez, Mister International 2014

Mar 20, 2015

by Gerry Ocampo

10530672_581016255338105_3002292339469444774_nMatapos na magwaging Mr International 2014 ni Neil Perez ay kaagad na kinuha siya ng TV 5 para gumanap na lead male star ng Wattpad Presents: My Ex, My Professor” na magsisimulang mapanood sa Monday at 9:00 pm sa Kapatid Network.

Hindi itinanggi ni PO2 Neil Perez na may girlfriend na siya at kung hindi raw siya binigyan ng project ng TV 5 ay baka nagpakasal na raw sila ng kanyang 5 years nang girlfriend.

Pero ang ikinagulat ng ilang press ay nang sabihin ni PO2 Neil na bawal na bawal raw sa kanya na magsuot ng swimming trunks. Oras na sumuway daw siya dito ay matatanggalan siya ng korona as Mr. International.

Hangga’t di raw natatapos ang term niya bilang Mr. International winner ay hindi siya puwedeng magsuot ng swimming trunk. Hanggang topless lang daw ang puwede niyang gawin at hindi siya puwedeng naka-trunks sa isang show or rampahan.

Kaya’t kung mayroong interesadong kunin ang kanyang serbisyo para maging endorser or maging image model ng kahit na anong uri ng underwear, sorry na lang pero hindi pa puwede itong si Neil.

Kaya sa Wattpad Presents: My Ex, My Boyfriend ay hanggang topless lang ang puwede niyang ipakita. May eksena pa naman sila ni Isabella de Leon na siyang female lead partner niya sa Wattpad na dapat ay nakasuot siya ng swimming trunks pero ginawang topless na lang.

Speaking of Isabelle de Leon, paborito yata ng TV 5 ang dalaga dahil pangatlong project na niya ito sa Kapatid Network. Sinasabi nga na ito raw ang papalit sa iniwanan na puwesto nang dating TV5 princess na si Alex Gonzaga matapos nitong lumipat sa Kapamilya channel. Pero kaagad na itinanggi ng dalaga dahil baguhan lang daw siya. Mga sikat na raw ang mga nauna sa kanya na sina Jasmine Curtiz-Smith, Eula Caballero, Ritz Azul atbp.

Siya daw na nagsisimula pa lang sa TV 5 ay ngayon lang napapansin at sana raw ay mapantayan man lang daw niya ang kasikatang tinatamasa ng mga nauna sa kanya sa network.

maxresdefault

Twenty years old na si Isabelle pero never pa raw siya nagkaroon ng boyfriend, isa daw siyang certified NBSB (No boyfriend since birth). Hindi naman mahigpit ang magulang niya, sadyang hindi pa raw yata niya nakikita ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso.

“Hanggang crush lang po kasi ako. Kapag nakikita ko nga ang crush ko ay kinikilig ako. Yes po, si Daniel (Matsunaga) pa rin po ang crush ko hanggang ngayon. Puwede rin po kay James Reid. Pero hanggang crush lang po,” say ni Isabelle na bukod sa maganda ay super seksi pa.

Hindi raw siya naa-attract sa mga teenager at bagets. Mas feel daw niya ang matured guy.

Leave a comment

Leave a Reply