May 23, 2025
Lotlot de Leon talks about her bond with Oropesa in “Mrs.”
Home Page Slider Latest Articles

Lotlot de Leon talks about her bond with Oropesa in “Mrs.”

Apr 13, 2016

arseni@liao

by Archie Liao

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Hataw ang magaling at premyadong actress na si Lotlot de Leon dahil pagkatapos na mapansin siya sa “First Sem” nina  Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibanez sa Cine Filipino, aarangkada naman siya sa “Mrs.” ni Adolfo Alix, Jr. na kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival.

Ano ang role mo sa “Mrs.”?

“Kasambahay ako rito. Isang dakila at loyal na maid ni Elizabeth Oropesa na siyang amo ko”,bungad niya.

Gaano ka nakaka-relate sa role mo rito?

“Nakaka-relate ako kasi marami rin kasing kasambahay sa bahay. Iyong iba more than 20 years na sa amin. Naging parte na rin sila ng pamilya at hindi na rin iba ang turing namin sa kanila. Importante rin iyong pagpapahalaga mo sa kanila ”,kuwento niya.

Ano ang ipinakikita sa pelikulang “Mrs.?

“Iyong bond ng mag-amo. Makikita rito ang realidad ng buhay dito. Kung paano talaga magmahal at mag-alaga ang isang kasambahay at kung paano rin siya mahalin ng pinagsisilbihan niya”, aniya. Pareho kayong may entry ng anak mong si Janine Gutierrez sa Sinag Maynila ngayong taon. Ikaw sa “Mrs.”, si Janine sa “Lila”, kaya posibleng maglaban kayo sa acting awards. Ano’ng

masasabi mo rito?

“Hindi ko alam. Ako naman, kahit anong role naman ang ibigay sa akin, kahit maliit siya, pinaghuhusayan ko ang aking pagganap. Kung mano-nominate si Janine at mananalo o ako, siyempre, matutuwa ako. Actually, I’m proud of her, the fact na napapansin na siya at gumagaling na siya at ginagalingan na niya ang performance niya bilang actress”,pahayag niya.

Bilang beterano, ano ang payo mo kay Janine sa kanyang pag-aartista?

“Lagi kong sinasabi na mahalin niya ang kanyang trabaho at maging professional”.

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Iyan din ba ang naging payo sa iyo ng Mama Guy mo noong nagsisimula ka?

“Oo. Halos pareho lang at pasa-pasa na lang ang advice”,sey niya.

Ano ang karanasan mo sa pakikipagtrabaho kay Elizabeth Oropesa na gumaganap na amo mo sa “Mrs.?

“Nagkasama na kami sa “Kubot”, pero konti lang iyong mga naging eksena namin. Dito, sobra akong blessed na kasama siya dahil magaling siyang aktres. Interesting iyong iniikutan kapwa ng mga characters namin. Parang may love story iyong sa amin May boyfriend ako pero ayaw ko siyang iwan dahil mahal na mahal ko siya, hanggang sa mamatay siya na ako ang kasama”,

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

pagtatapos niya.

Bukod kay Elizabeth Oropesa, kabituin din ni Lotlot de Leon sa “Mrs.” sina Rosanna Roces,

Anita Linda at Mark Herras.

Ang “Mrs.” ay kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival at mapapanood sa piling SM Cinemas

mula Abril 21 hanggang 26.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply