Louise Delos Reyes admits she’s also a fan of ‘AlDub’
By Roldan Castro
Nike Free Fs Lite Run 2 Matagal ding nabakante si Louise Delos Reyes na magkaroon ng serye pagkatapos ng “Halik ng Sirena.” Bagamat parang may love triangle siya kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa “My Faithful Husband” na magsisimula sa August 10 ay nagmumukha pa rin siyang supporting. Ano ang kanyang reaksyon? Hindi ba siya nainip na matagal siyang nagkaroon ulit ng serye? Narito ang naging panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa kanya:
“Okay lang po kasi worth it naman siya. This is something new sa career ko, different group at ‘yung cast, kaya’t okay siya. That’s fine with me kasi award-winning actors sila [Dennis at Jennylyn] at marami akong matututunan sa kanila. At sa supporting cast sobrang ang bibigat,” pakli ng dalaga.
“Okay lang din na supporting ako kasi mas senior sila sa akin, At saka mas gusto ko na nagpo-focus ako sa trabaho, sa craft ko kung paano siya mas mapapabuti,” dagdag pa niya.
May maselan na bang eksena sila ni Dennis sa ““My Faithful Husband”?
“Nakaka-intimidate po siya. Marami na rin akong naging eksena with him and sobrang ang galing niyang artista. Golden Goose Superstar Pas Cher Madadala ka talaga,”aniya pa.
Naramdaman ba niya sa set na nagkabalikan na sina Jennylyn at Dennis?
“Ilalaglag ko talaga ,eh (laugh), sweet sila. Parang gusto ko na lang tumalikod at matulog,” pagbubulgar niya.
Tungkol naman sa lovelife niya, tumawa lang siya sa isyung nakikita siya ngayon na may ka-date.
“Inspired ako ngayon at happy… sa career ko at sa bagong show,” pag-amin niya.
“Hindi pa naman (magkarelasyon), Golden Goose Flag Ltd Sneakers Sale inspiration muna,” sambit pa niya.
Kumusta naman siya after ng may ibang ‘nanay’ na nagki-claim sa kanya?
“Okay naman po. Mas naging strong ‘yung bond namin ng family ko. Kahit nagkaroon kami ng isyu na ganoon, mas nakilala namin ang isa’t isa. Mas naging secured ako with my family.”
May restaurant business din na pinasok si Louise sa Maginhawa Street. Tatlo raw silang magkakasosyo. Sa Marketing daw siya abala.
“Gamitin na natin ang pagiging artista ko sa pagma-market,” deklara niya.
Hindi naman daw kasi forever ang pag-aartista at hindi naman daw sa lahat ng oras ay may work siya. “So mas Golden Goose France maganda na nai-invest mo nang maayos ‘yung pera mo,” bulalas niya.
Kinuha rin namin ang reaksyon ni Louise na namamayagpag ngayon ang tandem ng ka-loveteam niyang si Alden Richards kay Yaya Dub [Internet sensation Maine Mendoza] ng ‘Eat Bulaga.’
“Actually, napapanood ko sila. Cute sila. Ha!ha!ha! Nu’ng nakaraang fans day namin, sa MOA Arena, niloko ko siya [Alden], ‘Wag kang didikit sa akin baka awayin ako ng Aldub,” tumatawa niyang pahayag. “Kasi, may New Balance 878 nagsasabi na sa Instagram na ‘Lumayo ka…’Wait lang po… hindi ba puwedeng maging magkaibigan kami [Alden]?,” sabi pa rin niya sabay bungisngis.
Actually nu’ng mabasa niya ‘yun sa IG Account niya ay dinelete niya dahil ayaw naman niyang magkaroon ng negative. At saka fan din daw siya ng Aldub. Naiintindihan naman daw niya kung saan nagmumula ang emosyon ng mga fans ng Aldub. Kumusta na sila ni Alden?
“Okay naman po. Actually, sa sobrang busy niya [Alden], hindi na kami nagkikita, mga ‘Tweens’ na kaibigan niya. Sabi nga namin, ‘minsan maglaan ka ng oras para sa amin,’” bulalas pa ni Louise.
Ano’ng ganap naman sa kanila ni Aljur Abrenica? Mukhang hindi na natuloy ‘yung movie na pagsasamahan nila.
“Opo. Actually, hindi ko na rin po Parajumpers Perfect Weste nabalitaan ‘yun po,eh. Ako naman… sa showbiz talaga hangga’t hindi ka nagti-taping pa, hindi pa talaga sure. Okay lang naman po kasi alam ko naman na mas marami pang better projects na darating.”
Kumusta ‘yung friendship nila ni Aljur?
“ Wala na po akong naririnig sa kanya,eh,” mabilis niyang tugon.
Grabe naman kinalimutan mo na siya agad?
“Ngayon lang po ako nagka-show ulit. Sa mga guestings ko naman po, hindi ko naman siya nakakasama. Sa ‘Sunday All Stars,’ hindi naman kami nagpapang-abot,” paliwanag niya.