
“I Love You All :)”, Jam wrote who has miraculously gotten better
After maging critical ang lagay last Thursday February 26 at makatulog ng halos 24 oras nang pareho ding araw ay dumilat daw ang mata at nagising ng February 27 ang YouTube sensation na si Jam Sebastian na patuloy na nakikipaglaban sa sakit na stage 4 lung cancer.
Post nga ng kanyang nakakatandandang kapatid na si Yexel Sebastian sa kanyang Facebook Account:
“After ng 24 hours na tulog at hindi nagrerespond parang isang milagro na dumilat siya at nagkaroon ng lakas na isulat ang I Love You All : ) “
Nagawa pa nga daw nitong na mag sulat ng “I Love You All” sa isang papel pasasalamat sa mga taong patuloy na nagdarasal sa kanyang mabilis na pag galing at tsaka natulog muli.
Post pa ni Yexel:
“Laban daw at wag tayo mawawalan ng pag asa grabee yung pangyayari lahat kasi ng mga kababata niya dumating para siyang nag sample “
“Astig ka talaga Tol!!!, salamat lord sa munting lakas na iyong ibinalik .
Post naman ng Girlfriend nitong si Mich sa Account ng Jamich:
“Gising si Jam ngayon : ) nakakausap namin siya and mas alive siya ngayon cool nakakapagsulat siya ulit and nakaka type sa phone. And mas nakakapag interact siya sa amin ngayon compared sa kahapon. Thank you sa mga prayers niyo Loves!
Post pa nito:
“Thank You Lord pilit siyang lumalaban, keep praying.