
Lovi on having a baby: ‘I’ll be happy if that happens’
Busy si Lovi Poe ngayong film producer na rin siya with her C’est Lovi Productions.
Palabas na ngayong October 16 ang Guilty Pleasure sa mga sinehan na co-prod nila ng Regal Entertainment Inc. nina Roselle at Keith Monteverde.
Bukod dito ay may isa pa siyang pelikula na ginagawa for Regal din.
Bukod ulit dito, may isa pa siyang nilulutong proyekto para sa C’est Lovi.
Pero dahil Mrs. Monty Blencowe na siya at nais na rin naman ni Lovi na makabuo sila ng pamilya, handa ang aktres na talikuran pansumandali ang lahat kapag nabuntis na siya.
Lahad niya, “Well, I’ll be happy if that happens.
“Pag dumating sa buhay namin, I’ll be happy and accept it with all my heart.”
Pero sa ngayon na hindi pa preggy si Lovi at napakaseksi pa rin, hindi na kami nagulat na daring and sexy siya sa mga eksena niya sa Guilty Pleasure.
And mind you, all-out ang suporta ni Monty sa mga maiinit na eksena ni Lovi sa bawat pelikulang ginagawa niya.
Sakto naman na ini-enjoy pa rin talaga ni Lovi ang pagiging aktres at tuloy lang siya sa pag-arte.
Na hindi raw porke nag-asawa na siya ay mababago na ang mundo niya.
“Just because I’ve moved on to another stage sa life ko, I still continue whatever I’ve been doing. Walang limitation,” saad ni Lovi.
Kaya nga nag-level up siya, from being an actress e naging producer na siya.
Unang venture ng C’est Lovi ang Guilty Pleasure.
“Of course, it’s a bit of a headache,” pag-amin ni Lovi. “But then, ganun naman talaga, e.
“If you want to grow, di ba, you have to go through all these stages.
“Yeah! And you know the outcome will always be great. So, I’m gonna keep creating more especially when I’m working with such amazing actors and director, writer, ever.
“Yes, 100 percent I wanna keep doing it.”
Nasa Guilty Pleasure bilang leading men ni Lovi sina JM de Guzman at Jameson Blake.
Kasama rin sa cast sina Dustin Yu, Angelica Lao at Sarah Edwards, sa direksyon ni Connie Macatuno at panulat ni Noreen Capili.