May 24, 2025
“Rocco is a boyfriend material but I still have to discover further if he is a husband material.” – Lovi Poe
Latest Articles

“Rocco is a boyfriend material but I still have to discover further if he is a husband material.” – Lovi Poe

Feb 5, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

lovi and rocoMagbabakasyon sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Baguio dahil bukod sa birthday ng aktres ay advance celebration na rin nila ng Valentine’s Day.

Pupunta kasi ng Balesin si Lovi sa February 14 dahil kasal ng kanyang kaibigang si Heart Evangelista sa February 15. Intimate lang daw ang kasal sa Balesin. Si Rocco ay invited sa reception nina Heart at Senator Chiz Escudero sa Maynila.

Tinanong si Lovi kung ano ang reaksyon ni Heart na hanggang ngayon ay malaking katanungan kung dadalo ang mga magulang niya sa kasal?

“Actually, hindi na namin pinag-uusapan kasi parang medyo ayoko rin namang magtanong about it kasi it’s kinda parang masyadong personal. Sensitive,” tugon niya.

Hindi ba naglabas si Heart ng saloobin niya tungkol sa bagay na ito?

“Ang hirap kasing pag-usapan, eh. Ayokong magsalita. Ako, I have my own opinion about it pero ayoko na lang magsalita. Ayoko na lang sabihin kung ano ‘yung nararamdaman ko,” pakli ng dalaga.

Anyway, walang inggit factor si Lovi kung mag-aasawa na ang mga friends niya gaya nina Heart at Solenn Heussaff.

Turning 26 pa lang naman daw siya at wala pa sa isip niya ang magpakasal. Hindi rin niya masagot kung husband material na si Rocco dahil one year pa lang sila at nasa stage pa lang sila na ini-enjoy ang relasyon nila. Boyfriend material daw si Rocco pero madidiskubre pa lang niya kung husband material ito pag nagtagal na sila.

Ano ba ang husband material para sa kanya?

“How do I say it, siyempre, alam mo yung someone na mabait, responsible. Someone who can take you as you are, take care of you, be loyal, and God-fearing,” deklara niya.

Masaya naman sila ni Rocco sa relasyon nila dahil walang sakalang nagaganap. Kumbaga, malaya pa rin nilang nagagawa ang sarili nilang buhay. Hindi naman daw ito seloso at pa-cute cute lang.

“Walang pressure sa aming dalawa. Parang separate talaga kami, may sarili kaming life,” sey niya.

Mahirap daw magkumpara sa mga nakaraan niyang relasyon dahil meron ding maluwag at hinahayaan lang siya.

“I’ve been in a relationship na ayaw talaga, like bawal akong mag-takong. Pero dati pa yun, batang-bata pa ‘ko,” pag-amin niya pero ayaw na niyang sabihin kung sino ‘yun.

Magpakailanman episode with Derrick Monasterio – ‘Apoy ng Pangarap’

lovi and derrickSamantala, mapapanood si Lovi ngayong Sabado bilang bumbera o firewoman sa episode na ‘Apoy ng Pangarap’ ng ‘Magpakailanman’. Na-excite siya sa role niya dahil na-experience niya kung paano humawak ng malaking hose at magpabuga ng maraming tubig.

Tinanong tuloy kung ano ang feeling niya na bagets ang kapartner nita sa katauhan ni Derrick Monasterio

“Puwede pa talaga ako sa bagets,” tumatawa niyang pahayag.

Challenge nga kay Lovi dahil mapapanood din na ang hitsura niya ay halos magkaedad lang sila ni Derrick sa ‘Magpakailanman’.

Her views on the SAF Warriors 44

Nakikidalamhati si Lovi Poe sa sinapit ng SAF Warriors 44 pero ayaw na niyang makisawsaw pa sa batikos sa gobyerno.

“Actually, napanood ko ‘yung mga speech, I cried kasi parang it saddens me talaga, kung ano ‘yung mga nangyayari sa bansa. Sometimes, kung pwede lang sabihin sa lahat ng tao that violence is not the key. Pero wala, eh. It’s sad that this happening,” bulalas ng aktres.

Ang nailagay daw nyang quote sa Instagram niya ay “We wake up to enjoy our freedom while they wake up to fight for our freedom.”

Pero, nag-post ang half-brother niyang si Ronian Poe sa IG na kung ang daddy niya ang Presidente ay nagpunta na ito sa Maguindanao at kinuha na isa-isa ang mga bangkay.

Hindi raw nabasa ni Lovi ang patama ni Ronian at ayaw niyang mag-judge.

“Mahirap namang magsalita, I don’t want to judge anybody kasi they have their own side of the story,” sambit ng dalaga.

Lakambini film in the making

lovi_poe_to_shiela___hindi_lang_siya_ang_nag-iisang_lalaki_sa_mundo__1409734876Pagkatapos ng mahabang pahinga niya sa “Ang Dalawang Mrs. Real” ay back to work na siya at magsisimulang mag-shooting ng ng historical indi film na “Lakambini” kung saan ay gagampanan niya ang papel ni Gregoria de Jesus or si Ka Oryang na asawa ni Andres Bonifacio. May isang movie rin daw siyang gagawin sa Regal Films at pina-plano na raw ng GMA 7 ang bago niyang teleserye.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply