
Luis, Aiko, Sunshine approve government’s ECQ extension
Dapat sana ay matatapos na ngayong April 14 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.
Pero dahil marami pa rin at hindi nababawasan ang biktima ng COVID-19 kaya nag-decide si Pangulong Rody Duterte na palawigin o i-extend pa ito hanggang sa April 30.
Nag-text kami kina Aiko Melendez, Sunshine Cruz at Luis Manzano para tanungin sila kung pabor ba sila sa naging desisyon ng ating pangulo na i-extend ang ECQ.
Sabi ni Aiko, “Kung ikabubuti natin ang extension ng lockdown, then I’m for it. Kasi ngayon pa lang lumalabas talaga ang affected by covid kung hindi mai-extend. Baka useless lang ‘yung naunang lockdown.”
Ayon naman kay Sunshine, “Yes if it’s going to be good for everyone. Huwag madaliin kasi even the countries that you wouldn’t think would have a hard time, nahihirapan. Kaya hindi talaga puwedeng madaliin. Ang importante, malusutan natin ito at hindi na madadagdagan ang namamatay.”
Opinyon naman ni Luis, “Mas alam ng government kasi sila ang may data. Kung ano ang ikabubuti ng buong bayan, doon ako.”