May 23, 2025
Luis Alandy says he doesn’t take advantage of his leading ladies in sex scenes
Latest Articles

Luis Alandy says he doesn’t take advantage of his leading ladies in sex scenes

Sep 21, 2016

Inamin ng magaling na aktor na si Luis Alandy na na-turn on siya kay Nathalie Hart habang ginagawa nila ang love scenes nila sa pelikulang “Siphayo”.

 

“Sino ba naman ang hindi  matu-turn on kay Nathalie.? Maganda siya at sexy at natural lang sa isang lalake na minsan ay tablan sa mga ganitong klaseng eksena”, aniya.

 

Ayon pa kay Luis, kahit na paminsan-minsang tinatablan ay hindi raw naman siya nadarang sa init ng mga eksena nila ni Nathalie.

luis-and-nathalie

“Before namang ginawa namin iyong mga eksena, alam na namin iyong istorya. Alam na namin iyong mga characters namin at kung saan patutungo. Bilang actors, mas focused kami  kung paano ia-akto iyong mga roles namin at hindi naman kailangang madarang dahil sa tunay na buhay ay wala naman kaming relasyon”, paliwanag niya.

 

Kumpara sa kanyang mga nagawang love scenes, aminado si Luis na mas nahirapan siya sa critically-acclaimed film na “Anino sa Likod ng Buwan”.

 

“Iba kasi iyong challenge ng “Anino…” . 10 minutes na dire-diretso. Wala talagang ‘cut’ iyong mga eksena namin ni LJ . Lahat ng movements namin, walang ‘cut’ na magde-depende na lang sa mga camera angles ng DOP namin. Dito sa “Siphayo”, nag-cut si Direk Joel, kaya nakakapag-adjust kami everytime na nagka-cut siya. Mas for film ito kumpara sa “Anino…..’ na may pagka-stagy. Mas daring din kasi dahil full nudity kami ni Nathalie rito”, esplika niya.

 

Nilinaw naman ni Luis ang isyung nag-take advantage siya kay LJ Reyes sa “Anino sa Likod ng Buwan” kaya hindi raw sila on speaking terms ng aktres.

 

“Ako, okay naman sa kanya. Whatever happened sa “Anino….” o kung anuman ang naging hindi pagkakaunawaan sa production, ayoko nang magsalita pa. We were friends before and as an actor, I don’t go overboard dahil hindi naman ako ganoong klaseng artista. Besides, wala namang sinasabi si LJ”, paglilinaw niya.

 

Dagdag pa ni Luis, hindi rin siya nag-take advantage sa kanyang mga kasamahang artistang babae  sa “Siphayo” kung kanino siya merong mga love scenes.

luis-alandy2

“Hindi ko iniisip ang sex o totohanin ang mga eksena namin. Babalik iyon sa aming mga actors. Hindi namin gustong makarinig ng “Ay, ayokong makatrabaho iyan dahil bastos iyan.” So, inalagaan ko rito si Nathalie tulad ng pag-aalaga ko kay Elora (Espano) who plays my wife”, pagwawakas ni Luis.

 

Bukod sa “Siphayo’” abala rin si Luis sa kanyang teleseryeng “The Greatest Love” sa Kapamilya network.

 

Malapit na rin siyang mapanood sa pelikulang “Swipe”, isang psycho thriller ni Ed Lejano.

 

Engaged na rin si Luis sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joselle Fernandez at binabalak na nilang magpakasal sa susunod na taon.

 

Photos Courtesy of Erickson dela Cruz

Leave a comment