
Luis Alandy set to marry fiancée Joselle Fernandez
Sa February 17 na ikakasal sa kanyang non-showbiz fiancée na si Joselle Fernandez ang actor na si Luis Alandy.
“Tinatapos ko lang ang last three days ng taping ko sa “The Greatest Love”, kasi I need to prepare for a lot of things, because I’m tying the knot,” aniya.
Excited na raw si Luis sa bagong kabanata ng kanyang buhay.
“In a week’s time, kasi, I’ll be turning 37. Naayos na namin ang lahat. Hindi siya engrandeng wedding. It’s going to be a garden wedding. A Christian wedding in Tagaytay,” kuwento niya.
Happy naman si Luis sa mga reaction ng mga netizen sa kanilang prenup video ni Joselle na nag-viral na sa social media.
“Marami ang nag-like. Marami ang natuwa. Minsan nga, when I went to the mall, may mga fan at pati mommies na nagpa-picture. Hindi siya iyong usual na glamour lang dahil may istorya siya at naa-appreciate nila iyong video dahil sa nararamdaman nila iyong love namin sa isa’t-isa,” pahayag niya.
Ang tinutukoy ni Luis ay ang prenuptial video nila na na-upload sa Youtube na inspired ng 2004 romantic Hollywood movie na “The Notebook.”
Dati nang napabalita si Luis na na-engaged sa kanyang girlfriend noong nakaraang taon kung saan ang seremonya ay naganap pa sa makasaysayang Lake Tahoe sa California sa US noong sila ay magbakasyon.
Paglilinaw naman ni Luis na hindi niya iiwan ang showbiz sa kanyang paglagay sa tahimik.
“I’m not leaving showbiz. Work pa rin talaga. May immediate movie na kailangang gawin tapos meron din akong gagawing teleserye,” esplika niya.
Sa gym unang nagkakilala sina Luis at Joselle at pagdating sa kanilang mga interes sa buhay ay magkasundo sila sa maraming bagay.
“Pareho kami ng interests. She finished multimedia arts. All of her siblings are also into music. They have a band pero they are studying pa but they share the same passion for music,” ayon kay Luis.
Bida pa ni Luis, wala raw hilig na pumasok sa showbusiness ang kanyang future wife.
“Hindi namin napag-uusapan iyon and I am not encouraging her to,” pakli niya.
Sa kanyang pag-aasawa, hindi rin daw naman nangangahulugan na lilimitahan na rin niya ang pagtanggap ng mga sexy role sa pelikula.
“Ako naman, basta okey sa akin at maganda ang role at challenging, gagawin ko. As an actor, parte kasi iyon ng trabaho. Iyong ginawa ko sa “Siphayo”, hindi siya iyong bastos kasi it was tastefully done by Direk Joel (Lamangan) na isang respetadong director. Besides, hindi naman laging sexy ang roles ko dahil I get to do different roles,” paliwanag niya.