
Luis Manzano gets emotional on his Kapamilya Deal or No Deal birthday special
by Mary Rose Antazo
Kapamilya Star Patrol-Naging emosyonal si Luis Manzano sa birthday week special na inihanda para sa kanya ng staff ng kanyang hit game show na “Kapamilya Deal or No Deal” na mapapanood simula kahapon, Lunes, April 20 hanggang ngayong buong linggo.
Dahil sa bagong format ng show kung kaya’t napagsama-sama sa ‘Deal’ stage ang pinakamahahalagang tao sa buhay ni Luis. Kabilang sa mga maglalaro ngayong Linggo sina Anne Curtis, Gov. Vilma Santos-Recto at Ryan Christian Recto, Piolo Pascual, Billy Crawford at Vhong Navarro, at Edu at Addie Manzano.
Pinaka-hindi inaasahan ni Luis ay ang pagrampa bilang Lucky Stars ng 20 na malalapit na kaibigan at katrabaho kaya naman umpisa pa lang ng episode ay bumigay na ang luha ng batikang host.
Sino-sino pa kaya ang 20 espesyal na Lucky Stars na kumurot sa puso ni Luis? Panoorin ang “Kapamilya Deal or No Deal: The Lucky Birthday Special” this week sa ABS-CBN.
Meanwhile, nabalitaan namin na kasalukuyang nasa Thailand ngayon si Luis at ang kanyang girlfriend na si Angel Locsin para doon mag-celebrate.
From your Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) family, Happy 34thBirthday Luis!
[divider]
Martin del Rosario doesn’t mind playing gay roles
Kapuso Chika Minute-Ngayong Kapuso na ang young actor na si Martin del Rosario, unti-unti na siyang nabibigyan ng magagandang projects ng GMA 7.
Last week ay napanood siya sa GMA Drama anthology na Karelasyon kung saan gumanap siya ng gay role at masusundan pa nga ito ng pagkakasali naman niya sa seryeng Pari ‘Koy kung saan ay may pagka-bading din ang kanyang papel na gagampanan. Kaya tanong tuloy sa kanya kung hindi ba siya natatakot ma-typecast sa gay roles.
Ayon sa aktor, “Okay lang naman sa akin dahil alam ko naman po na maraming plans din ang manager ko at ang GMA for me.”
“Siguro po, sa mga nag-iisip na baka ma-typecast, hindi naman, kasi alam ko naman na may mga naka-lineup na show sa akin kung saan magiging iba naman ang roles na aking gagampanan,” paliwanag pa ni Martin.
Wala rin daw issue sa kanya kung ganitong klase ng roles ang naibibigay sa kanya, ang importante raw sa kanya ngayon ay mayroon siyang trabaho. At iba-ibang atake naman ang ginagawa niya sa bawat programang kanyang nilalabasan.
Si Hiro Magalona ang magiging lover niya sa Pari ‘Koy, at hindi rin naman daw sila nagkailangan.
“Actually, nang magkita kami sa tent ng taping, marami pala kaming common friends. Kilala niya rin ang mga pinsan ko. Mabilis kaming nagkasundo, mag-bonding agad. So, hindi naman nakakailang,” kuwento pa ni Martin.
[divider]
“We will forever be thankful sa TV5 dahil while taping the first season of ‘2&1/2 Daddies’, we were able to bond together and break down the wall that stood between us. I’ve learned to accept BB, the show was a big help to unite our family again.” – Robin Padilla
Kapatid Showbiz Konek– Ipinahayag ni Robin Padilla na nakatakda silang mag-leave sandali sa kani-kanilang mga trabaho ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla para pumunta ng Spain to do research on the Padilla family tree.
“Gusto kong mapagdugtong-dugtong ang pinagmulan ng pamilya namin,” he adds. “Dalawa ang lugar na maaring pinag-ugatan ng mga Padilla, sa Toledo at Sevilla, Spain. So pupuntahan ko yung mga archives nila at ang makikita ko roon, ilalagay ko sa museum ng family namin sa aming ancestral home sa Fairview,”kuwento ni Binoe.
Nagpapasalamat din daw siya sa TV5 sa pagbibigay sa kanila ng second season ng programang “2&1/2 Daddies”.
“Pinagbigyan lang kami noon ni Ma’am Wilma Galvante sa first season. E, nag-click, pinag-usapan, nag-trending sa social media at laging puno ng commercials, so heto, may bagong season na kami.”
Marami daw dapat abangan sa kanilang second season at tiyak mas marami ang matutuwa sa kanilang istorya dito.
“More hilarious stories and funny misadventures ng Pastoran siblings, with me as Apol, Kuya Rommel as Ver and BB Gandanghari as Eva. Wala muna kaming romantic interest kaya wala na si Alice Dixson sa new season. Instead, we’ll focus sa aming pagpapalaki sa baby namin, si Bamba. Sa first season, she’s played by Kuya Rommel’s apo, anak ng anak niyang si RJ. This time, Bamba will be played by his four-year old daughter, Aryanna, who will become more demanding of our attention each new day. Kasama pa rin namin sa cast sina Tita Celia Rodriguez, Dennis Padilla, Cacai Bautista and Ritz Azul. Abangan nyo dahil later, magkakaroon ng love interest si BB rito,” pagbibida pa ni Binoe.
Kapansin-pansin ang hindi pagdalo ni BB Gandanghari sa presscon kaya inusisa ito ng press, paliwanag ni Binoe, “Kasalanan ni Kuya Rommel. May plan kasi kaming magkaroon ng motorcycle tour around the country para sa show. Lahat kami, mag-momotorsiklo. E, si BB, hindi pa marunong, so sinabi ni Kuya Rommel na mag-training siya in driving a motorbike. Ayun, naaksidente at nasa ospital ngayon. Nakatakda siyang i-x ray kaya hindi nakadalo sa presscon at baka nabalian.”
Labis din ang pasasalamat ni Robin sa break na ibinigay sa kanila ng TV5 dahil nagkaroon sila ng chance na muling maging close ng kanyang kapatid na si BB.
“We will forever be thankful sa TV5 dahil while taping the first season of ‘2&1/2 Daddies’, doon kami talaga nag-bonding ng husto nina BB. Kulitan kami, kuwentuhan, doon nag-iba totally ‘yung wall na dati’y namamagitan sa amin. Kung dati, hindi ko pa siya ma-accept, ngayon, tanggap ko na, yakap na yakap ko na ang kanyang pagkababae. Malaki ang naitulong ng show para lalong mabuo ang family namin,” dagdag pa ni Robin.