
Luis Manzano prefers a wedding proposal to be done privately
There’s no pressure to Kapamilya TV host and actor Luis Manzano na mag-propose ng kasal sa kanyang girlfriend na si Angel Locsin. Trending kasi ngayon ang mga wedding proposal or engagement among celebrities kaya ito ang laging tinatanong ng press kay Luis. Looking forward na kasi ang mga fans na sa altar na mauuwi ang pagbabalikan nila ni Angel when they got back from each other’s arms early last year.
“Ang pagpu-propose naman kasi at pagpapakasal, hindi ‘yan parang damit na kapag uso, sumasabay ka, sumasakay ka. I believe na when it’s the right time and I feel that it’s also the right time for her, then I’ll set it up na. Like, everything will fall into place. Hindi porke lahat nagpapakasal, dapat kami rin dahil may mga fan na gusto na. Hindi. Because that would be very unfair sa aming dalawa. We would be pleasing other people, but not ourselves. So, kumbaga, it’s gonna happen when it happens,” pahayag ng TV host at actor na si Luis.
Given a chance naman daw na magpo-propose siya kay Angel once ready na talaga siya ay mas gusto niya ang private proposal.
“We want to share it din naman with the rest of the world, but I’d rather do it, like, ipu-post ko ang video. But the proposal itself, I’d like to do it in private. Sa harapan ng madlang people?
“Hindi, hindi ko gagawin yun. Parang hindi ko naiisip gawin yun, halimbawa sa ASAP, hindi ko naiisip gawin yun.
“I believe na it’s something very personal, very sacred na mas maganda kung kayo na lang,” kuwento pa nito.
Mas feel daw ng kanyang girlfriend ang simple wedding kasama ang mga mahal nila sa buhay. Pero sa laki ng pangalan nila sa showbiz eh, mukhang malabong mangyari ang ganoon.
“Mas gusto niya na simple wedding, e. Mas intimate, mas konti ang tao”, sey pa ni Luis.
At napag-uusapan na raw naman talaga ni Angel ang wedding.
“Two nights ago, we were having a simple dinner out, napag-uusapan namin. In fact, nilalatag pa nga namin kung sino ang puwedeng kumanta sa wedding namin. Nandoon kami sa point na ‘yon na, we were having dinner with her friends at pati sila, ‘yung suot nila ay pinag-uusapan na nila. Kumbaga, things are starting to fall into place. We are starting to have a clearer picture kung ano ang gusto namin for the wedding,” sey pa ni Luis.
Pero wait and see na lang daw ang mga naghihintay ng kanilang pagse-settle down kasi sa rami ng kanilang schedules at showbiz commitments pareho ay mukhang hindi pa ito mangyayari ngayong taong ito. Hindi rin daw magiging issue sa kanilang dalawa ang religion if ever.
At base sa interview ni Luis sa programang Aquino and Abunda Tonight, mas nakikita nga raw niya ang proposal to happen this year, not yet a wedding.
“Mas realistic ang proposal this year. Mas nakikita ko lang, ha, sa timeline, mas realistic yun,” sabi niya.
Excited na kasi si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na magka-apo kaya ba tuloy mas nadaragdagan ang pressure niya?
“Well, yung naman sa apo, alam kong matagal na rin hinihintay ni Mommy ‘yan. Pero mahirap naman ‘yung, ‘Kite, (tawag niya kay Angel) gawa tayo ng isa para kay Mommy, ha? E, di pa tayo ready. Naglalambing si Mommy, e.’ “I think, everything will be ready, everything will become natural when it’s the right time,”pahayag pa ni Luis.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9