
Luis Manzano talks about his breakup with Angel Locsin
by PSR News Bureau
Maraming naging espekulasyon ang lumabas kung ano ang tunay na naging dahilan ng pagkawasak ng relasyong Luis Manzano at Angel Locsin. Tanong ng marami kung bakit sila naghiwalay gayong mukhang masaya naman sila sa piling ng isa’t-isa.
Ang isang sinasabi pa nga na rason na diumano’y pinag-ugatan daw ng matinding away ng dalawa ay ang muling pagtanggap daw ng Darna role ni Angel kahit di pa tuluyang nagagamot ang disc bulge niya sa kanyang spinal column. Hindi naman ganun kababaw ang pinagsamahan nilang dalawa ni Angel. Hindi rin nila basta itatapon ang anumang kanilang napagsamahan ng ganun na lang. Friends pa rin naman daw sila ni Angel.
Ang ilan naman ay sinasabi na pinili raw kasi ni Angel ang career over love, na lubha raw itong ikinatampo ni Luis.
Sa naging panayam kay Luis ng ilang kasamahan namin sa panulat, mariing itinanggi ni Luis ang lahat. Binigyang linaw ng TV host na walang katotohanan ang mga lumalabas na haka-haka. “Honestly, walang kinalaman ang Darna sa naging dahilan kung bakit kami naghiwalay. There are so many speculations. Ibigay na natin sa kanila yung gusto nilang isipin, at the same time, ibalato ninyo na lang sa amin yung natitira pa sa amin,” pakiusap ni Luis.