
‘Luv Me Tonight’ at Zirkoh: You Should Watch Out For
Kakaiba, kaabang-abang at may drama—ganito inilarawan ng producer-director ng “Luv Me Tonight” na si Enrico M. Gonzales na mas kilala sa showbiz bilang si Jeffrey Gonzales ang nalalapit na concert sa Zirkoh, Tomas Morato.
Siya ay dating member ng “That’s Entertainment” at papasok na rin sa pagpo-produce ng mga concert sa Kamaynilaan.
Kilala rin kasing producer ng mga concert si Jeffrey sa probinsya lalo na sa Bataan, Bulacan at Batangas.
Huhusgahan na ang “Luv Me Tonight” concert sa Zirkoh, Tomas, Morato sa March 16, Thursday, 9 PM na tinatampukan nina Ronnie Alonte, Sanya Lopez (Danaya of Encantadia) at Michael Pangilinan.
“Gusto kong mag-grow pa, mas lumawak pa siyempre. Ayaw kong mag-stick lang dun sa isang lugar na alam kong nahawakan ko na. So, gusto ko naman sa iba kaya tin-try ko ring magprodyus dito sa Maynila.
“First time ko sa Manila itong “Luv Me Tonight.” Kasi, before talaga na-involve ako sa mga bikini pageant pero ‘yung serious talaga as a producer, eto ‘yung first time talaga,” bulalas pa niya.
Stepping stone ba ang “Luv Me Tonight” para balang araw ay sa mas malaking venue at shows?
“Preparation siguro para kumbaga madagdagan ‘yung kaalaman ko as a producer. Siyempre, hindi ka naman magiging successful na producer kung hindi magi-start sa maliit, di ba? So, step by step, ganoon,” pakli pa ni Jeffrey.
Bakit sina Ronnie, Sanya at Michael ang kinuha niyang main cast?
“Si Michael kasi alam naman natin na isa siya sa pinakamagaling na singers sa ngayon. Kaya nga siya tinawag na bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala dahil na rin sa music niya.

“Si Sanya, ‘mula noong lumabas ang “Encantadia,” nakita natin ‘yung sabihin natin na…nag-evolve parang ganoon. Mas kinasabikan siya ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan dahil sa role niya bilang ‘Danaya’.

“Si Ronnie naman after ng successful concert niya sa Kia Theater, talagang hanggang ngayon naman ay pinag-uusapan siya, di ba?” bulalas pa ng actor-producer-director.

May bagong ipapakita ba si Ronnie sa “Luv Me Tonight”?
“Oo, meron. Basta makipag-cooperate lang si Ronnie. Kasi siya ‘yung last na lalabas sa concert. Kung mag-materialize lahat, mas okey, mas magiging maganda,” saad pa niya.
Kumpletos rekados ang “Luv Me Tonight” dahil nandiyan din ang ang sexy group na LES ALLURE na binubuo nina Sara Polverini (Ms. Century Tuna Superbods 2014 Grand Winner at former member of EURASIA), Lana Roi at Khai.
Nandiyan din si Kate Lapuz ng Trops ng GMA 7. Patatawanin naman tayo ni Jelly Joyce na halimaw sa entablado.
Nasa “Luv Me Tonight” din ang singer-actor na si Zyruz Imperial na interpreter ng Best Themesong ng 2013 PMPC Star Awards For Movies “Sukatin Mo Ang Mundo Ko” at ang 2009 PMPC Star Awards For Music Best New Male Recording Artist nominee tinaguriang “Birit King” na si Lemuel Santos with LS Band.
Kasama rin sa show ang bagong Star Music Recording Artist at finalist ng The Voice Kids Season 1 na si Natsumi Saito, ang 1st Asian Grand Prix Champion ng EUROPOP sa Berlin Germany at nominadong Most Promising New artist ng WISH FM Awards na si Ryan Tamondong, ang 2016 Best New Female Recording Artist nominee ng PMPC Star Awards For Music na si Pauline Cueto, ang bagong biritero at recording artist na si Josh Yape, ang bagong guwapong singer na si Rain Gibbz. Nandiyan din ang back-up dancers na BzLegz
Assistant Directors naman ni Direk Enrico sina Mitzu Nanri at Leklek Tumalad. Prodyus ito ng Jeffrey G Entertainment Productions sa pakikipagtulungan ng Zirkoh Tomas Morato at RFC Entertainment.
Pag napanood ang “Luv Me Tonight” sa March 16 ay siguradong mamahalin ng mga manonood ang lahat ng perfomers.
“Siguradong hindi nila makakalimutan. Parang pasabog ‘yan,eh, Pag pinanood nila, siguradong matatandaan nila, talagang may direksyon,” pagmamalaki ni Jeffrey Gonzales.
Para sa ibang detalye sa show,tumawag sa 09053595091 at 09568573532.