
Magpenetensya kayo—Veteran actor Tommy Abuel encourages Pinoys to watch ‘Dagsin’
Pagkatapos umikot sa buong mundo at maghakot ng award sa ibat ibang film festivals abroad, ipapalabas na sa April 20 (Black Saturday) ang award-winning indie film na “Dagsin,” directed by Atom Magadia na sya rin ang sumulat together with his wife Anne Prado-Magadia.
Nakakuha na ng 3 Best Actor award ang lead actor na si Tommy Abuel. Una sa Cinemalaya Film Festival 2016, ikalawa ay sa Los Angeles Philippine International Film Festival 2017 sa Los Angeles, USA, at ikatlo ay sa European Philippine International Film Festival 2018 sa Florence, Italy.
Nagwagi naman ng Best Director si direk Atom sa Urduja Film Festival 2017 kasama sina Janine Guttierez na nanalong Best Supporting Actress, Alex Diaz, Best Actor in a Cameo Role and Ms Marita Zobel bilang Best Actress in a Cameo Role.
All in all, may 18 awards nang nakukuha ang “Dagsin,” kasama na ang Best Film, Direction, Acting, Screenplay at marami pang iba mula sa ibat ibang international film festivals.
Dahil hindi nakadalo sa awards night, tinanggap nina Tommy ang award mula sa LA at si Ms. Marita sa Urduja ang kanilang trophy kay direk Atom kamakailan na sinaksihan ng ilang piling press.
Kapwa sinasabi ng dalawang veteran at premyadong artista na sina Tommy at Ms. Marita na napakaganda ng kanilang pelikula.
Nang tanungin si Tommy kung bakit dapat panoorin ang “Dagsin,” ito ang sagot ng premyadong aktor.
“Magpenetensya kayo!”
“Actually, its a very unique love story na sakto ngayong Holy week. The movie started from Palm Sunday and ends on an Easter Sunday. I can say na we have a beautiful movie na maaari mong ipagmalaki at makipagsabayan sa gawang ibang bansa.”
Ano naman ang masasabi niya na nakatatlong Best Actor award na sya?
“It’s the validation of your work that you have done. Ako naman, I gave my 100% sa trabaho na ibinibigay sa akin kaya wala akong paboritong pelikula. Lahat sila kasi I gave my all sa lahat ng ginawa kong pelikula,” diretsong pahayag ni Tommy.
Si Ms. Marita naman, unang award niya ito at nagulat din sya.
“I was really surprised when I learned that I won. Cameo role nga lang di ba, nanalo pa.
“In the past, may mga acting nominations ako like sa FAMAS pero ngayon lang ako nanalo.”
May kissing scene sila ni Tommy sa pelikula at ‘yun ang una niyang kiss on screen.
Nakangiti ang beteranang aktres, “Kailangan sa eksena kaya pumayag ako. First time ko pero very simple kiss lang yun.”
Actually, puring-puri ni direk Atom ang mga artista niya.
“I have really a good cast. Lahat sila magagaling at mababait. Walang pasaway kahit na mahirap ‘yung shooting. Overall, maganda ang naging outcome nung produkto namin.
“May invitation ngayon sa amin from Europe so we might bring the film there.
“We felt lucky na nabigyan kami ng mga sinehan at showing na kami sa April 20, 2019. Happy kami na mapapanood ulit ang movie namin dito after Cinemalaya,” tsika pa ni direk Atom.
Ano naman ang sikreto ng isang Tommy Abuel at hanggang ngayon ay active pa rin siya sa TV at pelikula?
“Wala naman. Ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko. Mahalin mo ang trabaho mo. Dapat professional ka. In the end kapag nagtanim ka, may aanihin ka. If you just take it for granted, ganun din ang makukuha mo,” matalinghagang sabi pa ng aktor.
Bukod kina Tommy at Ms. Marita, kasama rin sa pelikula sina Janine Guttierez, Benjamin Alves, Lotlot de Leon, Sue Prado, Rolando Inocencio, Alex Diaz, Arpee Bautista at Yoshihiko Hara.
Ano naman ang masasabi niya na posibleng makasabay nila ang isang malaking Hollywood movie?
“Sana panoorin muna nila ‘yung tao bago ang superhero.”