May 22, 2025
Maine expresses gratitude to avid fans
Latest Articles

Maine expresses gratitude to avid fans

Jun 28, 2017

NANANATILI pa rin ang kasikatan ng tinaguriang Phenomenal Star na si Maine Mendoza. Maging   ang loveteam nila ni Alden Richards ay patuloy pa rin ang inaaning tagumpay hanggang ngayon.

“Sobrang bilis talaga ng mga nangyari sa amin ni Alden (Richards),” sabi niya.

“Lalo na po sa akin. Two years pa nga lang ako, ganito na, sunod-sunod. Parang hindi ko pa rin ma-fathom kung ano ba ang meron. Bakit ako,” mapagpakumbaba pa niyang sabi.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa suporta at pagmamahal na ginagawa sa kaniya ng kanyang mga tagahanga.

“Honestly, hindi ko po alam. Parang isang question sa akin yun na hindi ko po masasagot.

“Siguro po, dahil na rin ito sa mga sumusuporta sa amin ni Alden na very supportive sa mga ine-endorse namin.  Kapag nakikita na may bago akong endorsements, talagang sinusuportahan.”

Kabilang sa endorsement na sinusuportahan ng kanyang mga tagahanga ay ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino na sinasabing top-selling and most loved tocino in the Philippines today. Ito raw ang sikreto niya sa pagiging forever young.

Leave a comment