
Maine Mendoza is still on cloud 9 after winning Best Supporting Actress from MMFF 2015
Sobrang nasorpresa si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza nang siya ang tanghalin bilang Best Supporting Actress sa katatapos lang na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival [MMFF] 2015. Hindi nga lubos na makapaniwala ang Dubsmash Queen nang malaman niya ang magandang balita. Ang tinanong pa nga daw niya sa sarili ay, “Bakit ako?!!!” Unang paglabas pa lang sa pinilakang tabing ni Maine kaya’t bilang isang baguhan, tila nagulat siya na siya pa ang nanalo at tinalo pa niya ang ilang mas matagal nang artista kesa sa kanya. Ayon pa kay Maine, mas gusto niyang unahan na ang kanyang mga bashers bago pa ito makapag-react.
Nanalo si Maine sa kanyang mahusay na pagganap bilang spoiled brat na anak ni Vic Sotto sa pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore. Ilang buwan pa lang naman sa limelight si Maine na mas nakilala bilang isang dubsmash sensation at dahil sa paglabas nito ng kunin siya ng Eat Bulaga! para sa segment na “Juan For All, All For Juan.” Dito nadiskubre na swak ang tambalan nila ni Alden Richards na ngayon nga ay isa ng phenomenal love team na “AlDub.”
Hindi basta-basta ang mga tinalo ni Maine sa naturang kategorya. Tinalo lang naman ni Maine sa kategoryang Best Supporting Actress ang beteranang aktres na si Nova Villa at award-winning actress na si Iza Calzado.
Nanghihinayang man si Maine na hindi niya personal na nakuha ang kanyang unang acting award dahil kasalukuyan itong nasa bakasyon kasama ang kanyang buong pamilya sa Japan, masaya ito sa balitang kanyang natanggap. Hindi niya inaasahan ang kanyang pagwawagi. Kaugnay nito, nag-post nga siya sa kanyang Twitter account ngayong umaga, December 28, “Bago pa ako i-bash ng sambayanan, maauna na ako? Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”