May 22, 2025
Maine Mendoza’s ‘DoNation Drive’ reaches daily wage earners
Latest Articles

Maine Mendoza’s ‘DoNation Drive’ reaches daily wage earners

Mar 31, 2020

Kahanga-hanga na umabot na sa higit P587,677.92 ang total amount na nalikom ni Maine Mendoza bilang donations sa project niyang DoNation Drive as of March 25.

Layunin nito na makapagbigay ng financial aid sa mga daily wage earner na apektado ng Enhanced Community Quarantine. 

Sa loob lang ng isang linggo, nakapagpadala si Maine sa 587 na tao, kung saan karamihan ay mga driver ng pampublikong sasakyan at street vendors.

Samantala, muling napapanood si Maine bilang si Laura Patola sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko,’ kasama ang child wonder na si Baeby Baste last Sunday. 

Sinundan ito ng episode na pinamagatang ‘Sa Ilalim Ng Buwan,’ na pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Primetime Princess Barbie Forteza.

Leave a comment