May 25, 2025
Are Maja and Gerald headed for splitsville?
Latest Articles

Are Maja and Gerald headed for splitsville?

Apr 14, 2015

by PSR News Bureau

351-gerald-anderson-says-he-and-maja-salvador-are-happy-400x252May mga alingasngas na balitang hiwalay na raw sina Maja Salvador at Gerald Anderson. Nagsimula ang tsismis magmula nang magkahiwalay na nagbakasyon ang dalawa noong nakaraang Semana Santa. Ayon sa isang reliable source ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), si Maja ay lumipad noon patungong Bali, Indonesia kasama ang mga kaibigang sina Cacai Bautista at Thou Reyes, samantalang si Gerald naman ay sa Subic, Zambales nagbakasyon kasama ang mga kaibigang sina Rayver Cruz at kapwa produkto ng Pinoy Big Brother Teen na si Fred Payawal. Sa ngayon ay wala pang kinukumpirma ang dalawa ukol sa issue ng kanila umanong paghihiwalay.

Marami nang pinadaanang issues ang relasyon nina Maja at Gerald magmula nang maging couple sila. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin sila tinatantanan ng mga intriga. Ayon na rin kay Maja sa naging panayam nito tungkol sa mga balitang hiwalayan nila ni Gerald, “Hinahayaan na lang namin silang mag-isip kung ano yung tingin nilang nangyayari sa amin. Mas okay na yung mas tahimik kami at pribado sa kung anong meron kami ni Gerald.

Para kay Gerald naman, itinuturing niyang isang life goal ang pagkakaroon ng matagal at mahabang relationship that eventually goes into marriage kung anuman yung sa kanila ni Maja. “Dati, palagi kong pina-promise sa mga past relationships ko yun. But through time, mas gusto ko nang gawing goal sa buhay yun rather than make promises alone. Siyempre, gusto kong protektahan kung ano yung meron kami. Hindi po biro yung mga pinagdaanan naming together. Marami akong natutunan sa kanya and I consider them blessings.

Umpisa pa lang kasi ng kanilang relasyon ay madami na ang hindi pabor dito particular na ang fans ng Kimerald, ngunit sa tinagal-tagal na rin ng kanilang pagsasama ay hindi nagtagumpay ang mga taong nais sirain ang anumang nasimulan nina Maja at Gerald. Kaya’t totoo man o hindi ang tsismis na hiwalay na sina Maja at Gerald, hayaan na lang natin silang magsalita ukol dito sa tamang panahon.

Leave a comment

Leave a Reply