
Maja Salvador, ayaw magsalita tungkol sa pagkakatanggal ni Xian Lim sa kanilang serye
by Rommel Placente
May bagong serye si Maja Salvador sa ABS-CBN 2, ang Bridges na katambal niya rito si Jericho Rosales. Ito ang second time na nagtambal ang dalawa sa serye. Una silang nagsama sa The Legal Wife na gumanap rito si Maja bilang mistress ni Echo.
Dapat sana ay kasama sa Bridges si Xian Lim. Kaya lang, dahil hindi raw ito makaarte ng tama sa mga mabibigat nitong eksena sa serye kaya tinanggal na raw siya rito. Na nang tanungin namin sia Maja tungkol sa pagkakatanggal umano ni Xian sa kanilang serye ay ayaw niyang mag-comment.
“As long as gusto kong magsalita, parang huwag na lang. Kasi siyempre, kung ako rin naman ang nasa posisyon ni Xian, mahirap din naman po,”
simulang sabi ni Maja nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa pocket presscon ng Sisters, isang sanitary napkin na iniindorso niya.. Patuloy niya,
“Ayoko naman pong pangunahan siyempre yung management, Baka mamaya maalis naman ako roon (serye),”
Nagkaeksena na ba sila ni Xian?
“Hindi pa po. Kami pa lang ni Echo ang nagkakasama sa mga eksena.
“Sa workshop pa lang kami nagkasama,”
Kung sakaling hindi na nga kasama si Xian sa kanilang serye, manghihinayang ba siya?.
“Opo,” sagot ni Maja
“Kasi ang ganda nung workshop namin. Parang akala ko, nung nagkasama kami sa Ina, Kapatid, Anak, kilala ko na siya nang husto, hindi pa pala.
“Eto, nung nag-work-shop kami, marami pa akong na-discover sa kanya. Nakitaan ko siya ng, kung ano talaga yung mga pangarap niya sa buhay,. ‘yung ganoon. Ibang side naman na Xian ang ipinakita niya sa amin,”
E, ano naman ang na-discover niya kay Echo sa muli nilang pagtatambal?
“Si Echo, magaling talaga siyang artista kasi ibang character naman ‘to, eh.
“Hindi ko nakikita yung Adrian (character ni Jericho sa The Legal Wife) sa kanya.
“Di ba kahit konting nuances or konting ano, may makikita ka, parang ay parehas lang.
“Sobrang iba naman yung atake niya rito.
“Saka mai-inlove ka sa character niya rito.
‘Kung doon sa Legal Wife, nainis ka sa kanya, rito,sa bago naming serye, sa kanya ka naman maaawa,”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente