
Maja Salvador celebrates her 10th year in showbiz with a major solo concert at SM MOA Arena
Tila marami nang taga-showbiz ang may lakas ng loob upang sumunod sa yapak ni Anne Curtis sa pagtatanghal sa malakihang venue kahit hindi naman sila masasabing ‘total performers.’ Bilang paghahanda sa nalalapit na 10 taon ni Maja Salvador sa industriya ng showbiz, mayroon din siyang concert na inihahandog para sa kanyang mga tagasubaybay. Itatampok si Maja sa isang bonggang concert na may pamagat na MAJASTY na nakatakdang maganap sa darating na November 13 sa SM MOA Arena.
“Gusto kong maibahagi ang aking talent sa pagpe-perform sa aking mga tagahanga,” saad ni Maja. Alam ng aktres na marami na rin ang kumukuwestiyon at nambabash sa kanya kung kaya na ba niyang pumuno ng ganun kalaking venue sa kanyang concert. “Ayokong mag-entertain ng negative thoughts. Basta ako, dadaanin ko na lang sa dasal at saka gagalingan ko na lang. Ibubuhos ko yung best ko.”
“I don’t want to think about if mapupuno ko or hindi ko mapupuno yung ganun kalaking venue. I’ll just enjoy the night away. After all, hindi lahat ng artistang tulad ko ay nabibigyan ng chance to stay this long [10 years and counting] in this industry, so that’s pretty much an achievement.”
At dahil nation pa na ‘Friday the 13th’ ang araw ng kanyang concert, kung kaya’t lalo itong nagging tampulan ng tukso. Paniwala kasi ng ilan na malas daw ang nasabing petsa kapag tumapat ang 13 sa araw ng Biyernes. “Hindi ako naniniwala doon sa ganun na malas. Ang suwerte kasi ay ginagawa ng tao sa kanyang sarili at hindi inaasa sa particular na petsa lang.”
Ang MAJASTY ang pinakamalaking concert ni Maja Salvador at ito ay tatampukan ng kanyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Paulo Avelino, Enchong Dee, JC De Vera, Enrique Gil, Kakai Bautista, Rayver Cruz at Piolo Pascual.