
Maja Salvador renews contract with Beautéderm
Thankful si Maja Salvador sa patuloy na tiwala sa kanya ng Beautederm founder at CEO na si Rhea Anicoche Tan.
Last Wednesday ay nag-renew ng kontrata si Maja sa Beautéderm Corporation bilang ambassador ng BlancPro. Ito ay ginanap sa Solaire North. Apat na taon na si Maja sa Beautederm.
Kasama sa Blanc Set ang Tretinoin (acne treatment) at Hydroquinone (hyperpigmentation treatment). Ito ay nakatutulong para ma-prevent ang acne at pimples, nakaka-brighten ng kutis, nakababawas ng inflammation, nakatutulong mawala ang fine lines at wrinkles. Ang Blanc Set ay nakaka-enhance para mas mag-glow ang skin at nakatutulong para maalis ang mga dark at aging spots.
Samantala, ipinahayag ni Maja kung gaano siya kabilib sa mga produktong ine-endorse dahil sobrang effective talaga nito.
“Hindi ba sa (theme) song, sa Beautederm gaganda ang buhay mo… Pero hindi lang iyong mga franchisee at distributors iyong gumaganda talaga ang buhay, pero sa totoo lang, pati iyong skin mo ay talagang gumaganda.

“Kasi dapat hanggang bata ka pa, dapat talaga ay alam mo nang alagaan iyong skin mo, iyong mukha mo, hindi ba?”
Ayon pa sa aktres, hindi pa siya Beautederm endorser ay gumagamit na siya nito dahil binibigyan siya ni Kakai Bautista, na isang ambassadress nito.
“So, hindi pa ako Beautederm endorser ay naaambunan na ako ni Kakai. Tapos sakto na pandemic, kaya marami akong baon nito sa Palawan like sunscreen at lahat-lahat.
“So, bago pa ako matanong ni Manang (Ms. Rhea), bago pa ako maging endorser ay gumagamit na talaga ako ng Beautederm. Tapos hanggang sa ikinasal na ako, ngayong mommy na ako… parang ang masasabi ko na ang Beautederm, alam mo na best partner iyan ng mga mommies na katulad ko o nating mga babae pagdating sa skincare.
“Hindi na ako magsasalita, just look at me now,” nakangiting sambit pa ng aktres na animo ipini-flex ang kanyang taglay na beauty.
Pinuri naman ni Ms. Rhea si Maja bilang isang kaibigan at bilang babae.
Wika niya, “Maja’s pure heart is my favorite thing about her. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry. Outside of work, we discuss her daughter, her family, and everything. I know how nice she is. Therefore, she deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wishes to start a family.”
Bilang Beautederm ambassador, ine-endorse ni Maja ang Blanc Set, isang top-selling skincare set.
Narito ang benefits na makukuha sa paggamit ng Blanc Set:
• Includes Tretinoin (acne treatment) and Hydroquinone (hyperpigmentation
treatment).
• Prevents acne and pimples.
• Brightens your skin
• Decreases inflammation.
• Helps fade fine lines and wrinkles.
• Enhances skin’s glow.
• Addresses dark and aging spots.
Ang Blanc Set ay mabibili sa Shopee, Lazada, TikTok, at sa Beautederm stores nationwide.