
Maja sets the record straight that friendship with Kim is on a scale of 8 out of 10
Sa guesting ni Maja Salvador sa ‘The Buzz’, kahapon ay sinusugan niya ang sinabi ni Kim Chiu sa host na si Kris Aquino na okey na sila ni Maja at ang weird nga dahil para raw walang nangyari.
“Oo, wala lang talagang communication, ‘yung mga text or tawagan pero ‘pag nagkita kami, sobrang okay talaga.”
Nang tanungin kung paano niya iri-rate ang kanilang friendship muli, sey ni Maja 10 being the highest ay 8 daw dahil sa kawalan masyado ng komunikasyon pero nandun pa rin ang friendship.
“Sobrang special pa rin naman sa ‘kin si Kim. Pinaparamdam ko naman ‘yun sa kanya. Na in time, kung dumating ‘yung panahon na kung pwede lang talaga mabalik ‘yung lahat, sobrang gusto ko.”
Matatandaang mag-bestfriends sina Kim at Maja no’n. Nasaksihan ni Maja ang love story ng bestfriend at ni Gerald Anderson. Sa kaniya pa nga umiyak si Kim ng mag-break sila ng aktor. Masasakit na salita naman daw ang sinabi ni Maja laban kay Gerald para lamang i-pacify ang kaibigan. Pero naging mapaglaro ang tadhana dahil isang araw ay nalaman na lamang ni Kim na mag nobyo na sina Maja at Gerald. Bagay na ikinasama ng loob ni Kim at ilang beses itong nagpahaging sa mga interviews niya.
Marami ang nag-isip na ginive-up ni Maja ang friendship nila ni Kim para lamang sa nobyong si Gerald. Bagay na hindi naman sinang-ayunan ng aktres.
“Hindi naman siguro gi-nive up ‘yung friendship. Kung may chance na hindi ako mamimili, parang hindi naman ako nagkaroon ng chance na mamili eh. Parang dumating na lang ako sa ganong sitwasyon na nandoon na. Wala na akong chance mamili.”
Tinanong kay Maja kung sa sarili niya ay aminado ba siyang dapat siyang humingi ng tawad kay Kim.
“Yes. Hindi na dapat kailangan tanungin eh. Parang ako mismo gusto ko siyang kausapin nung panahon na ‘yon. Pero wala, sobrang walang chance kasi sarado, as in sarado. Talagang tinatanong ko sa sarili ko ‘bakit nangyayari ‘to ngayon?'”
Wala naman daw problema kay Maja kung magkakatrabaho muli sina Kim at Gerald. “Sabi ko nga ‘diba, okay ako kasi nga andami pa rin nilang fans. At ‘yun iba kasi talaga ‘yung chemistry nila eh. ‘Di ba kelan lang nag-pictorial sila ng endorsement nila. Andoon parin ang chemistry.”
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud