
What makes actor-producer Piolo Pascual stay
Very vocal si Papa P. sa pagsasabi noong magreretiro na siya sa showbiz bago humantong sa edad na 40.
Gayunpaman, dahil patuloy na humahataw ang career at patuloy ang pagdagsa ng trabaho, muli na namang naudlot ang kanyang balak na mag-quit sa showbiz.
Naging matagumpay ang teleseryeng “Since I Found You” na pinagsamahan nila ni Arci Munoz.
Naging aktibo rin siya sa pagpro-prodyus ng pelikula.
Lalo pa siyang ginanahan dahil ang indie movie na Kita Kita na nagtampok sa tambalang Alempoy na iprinudyus niya sa Spring Films ay pinilahan at naging highest grossing indie film of all time.
Dahil dito, marami pa siyang proyektong iku-coproduce sa nasabing kumpanya.
Napansin din siya at nakilala sa international scene lalo pa’t nakadalawang pelikula na siya kasama ang internationally acclaimed director na si Lav Diaz sa “Hele sa Hiwagang Hapis” at “Sa Panahon ng Halimaw.”
Bukod pa riyan, lalong naging kaabang-abang at kapana-panabik ang “Home Sweetie Home” nang pumasok ang karakter niya bilang JP Valentino nang mawala sa sirkulasyon si John Lloyd Cruz.
“Noon talaga, I wanna call it quits. Sabi ko, before I turn 40, I wanna retire. Parang burnout. Na-humble lang ako sa circumstances para sabihin ni Lord na “Bini-bless na nga kita, tinatanggihan mo pa.”
“It took me six months to reconcile the fact na may mission pa ako, that’s why I’m still around, so I committed to it. There’s still a lot of inquiries and a lot of offers which I can’t refuse. Yes, I signed for another two years for ABS. Not a lot of people are given these opportunities and chance like to produce or to act , so ang dami pang puwedeng gawin,” paliwanag niya.
Bukod sa pagiging host ng ASAP at sa kanyang TV show, tatlong pelikula ang gagawin ni Piolo, ang isa ay muling ididirehe ni Lav Diaz, ang pangalawa ay nakahanay na subalit wala pang final na cast at ang pangatlo ay ang proyekto niya kay Raya Martin.
Hirit pa niya, gusto niyang unahan si Direk Cathy Molina at wish niya na makagawa sila ng pelikula bago man lang matapos ang taning ng direktora sa kanyang sarili.
Happy din si Piolo dahil nakasampung taon na ang kanyang SunPIOLOgy project kabalikat ang Sunlife Philippines.
Ang SunPIOLOgy na isang charity-sporting event ay marami nang natulungang kawanggawa na may kaugnayan sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan ng mga Pinoy.
Sa ikasampung taon nito, tatlong malalaking kaganapan ang ilulunsad sa event nitong “Sunpiology TR10”: SUN CYCLE PH sa November 17 sa Bonifado Global City, SUN LIFE RESOLUTION RUN at SUN vs STARS with Star Magic, na parehong idaraos sa Camp Aguinaldo sa January 26, 2019.
Sa SUN CYCLE PH, inaanyayahan ang mga beginner at seasoned bikers na makilahok sa bike for a cause na magdadala sa kanila sa mga key cites ng Taguig, Makati, Manila at Pasay.
Inorganisa ng Sunrise Events, kasama sa mga kategorya rito ang Family Ride (30mins dur.); Tricycle Ride (100m and 500m); Short Ride (20km); at Long Ride (40km), kung saan pangungunahan ang event ng Sun Life ambassadors na sina Matteo Guidicelli at Piolo Pascual.
Para sa mga interesado, puwede silang magrehistro sa www. sunlife.cycleph.com
Ang SUN LIFE RESOLUTION RUN ay layuning mapaglabanan ang diabetes at itaguyod ang malusog na pamumuhay na mangyayari sa Malaysia (January 13), Indonesia (January 20), Hong Kong (January 27), at Vietnam (January 27).
Sa Pilipinas, ang charity rin na ito ay pangungunahan ng mga sikat na Pinoy celebrities para makalikom ng pundo sa kanilang beneficiaries tulad ng Hebreo Foundation, Institute for Studies on Diabetes Foundation, Nordhoff Foundation. at Star Magic scholars. Bukas na ang rehistrasyon at puwedeng bisitahin ang kanilang sunpiology website.