
What makes ‘AlDub’ the most popular loveteam?
By PSR News Bureau
Mayroon ding kabayaran ang tagumpay. Hindi na basta ordinaryong artista lang si Alden Richards. Dinudumog na talaga siya kahit saan pa siya magpunta. Sa ginanap na isang show sa isang mall kung saan special guest ang guwapong aktor, grabe talaga ang ginawang pagdumog sa kanya ng fans. Ang daming supporters ni Alden at kahit saan magpunta ang aktor ay nakasunod sa kanya ang fans.
Marami mang bodyguards at event securities ang nakaalalay sa kanya pero nagawa pa rin ng ilang aggressive fans ang makalapit kay Alden. Dinumog siya ng mga tao at parang nasalya si Alden at tumama ang kanyang braso sa pader.
Hindi nga napigilan ng mga body guards ng mall ang fans lalo’t sabik silang makita yung iniidolo nila. Bagamat halatang nasaktan, wala namang naging reklamo si Alden. Nang mai-upload sa Aldub Facebook fan page ang naturang insidente, madaming fans ni Alden ang nagsabi na hinay-hinay lang ang mga sabik na fans ng aktor.
Mahirap kumalma kapag nasa harap mo na ang tinagurian ‘Pambansang Bae’ ng Pilipinas. Pero huwag naman sa puntong masasaktan na si Alden. Huwag sana siyang lamutakin ng fans. Kawawa naman, hindi naman dapat maranasan ni Alden ang ganyang pananakit.
Nakakagulat ang kasikatan ni Alden dahil napuno nito ang mga malls sa Pampanga at Imus, Cavite. Sa Cavite nga daw ay nagsisigawan at nagtutulakan ang mga tao makita lamang si Alden ng malapitan.
Hanggad ng lahat na sana’y hindi magbago ang attitude ni Alden sa kanyang pagsikat. Huwag lalaki ang ulo nito. May kabababaang loob rin naman ang katambal ni Alden na si Maine Mendoza. Kahit na malayo na rin kasi ang narating ng dalaga ay hindi ito nakakalimot sa kanyang pinagmulan.
Success hasn’t gone to her head. She has stayed humble. Nang minsan nga daw na mag-show ito, nang pinigilan ng bodyguards at hinarangan ang fans niya na gustong magpa-selfie sa kanya, bumaha ng papuri ang mga tao kay Maine nang pagbigyan niya ang kanyang fans.
“Ang bait talaga ni Yaya Dub. Kahit sa mga barangay na pinupuntahan nila, nagha-hi talaga siya sa fans at pag may nagpa-picture, accommodating din siya at hindi nagsusuplada,” ayon sa ilang fans na makakapagpatunay kung gaano kabait si Maine.
Marahil ito ang isa sa dahilan kung bakit click na click ang tambalang ‘AlDub.’ Hindi kasi sila mahirap abutin hindi katulad ng ibang sikat na artista natin na kadalasang nalulunod sa isang basong tubig.