May 23, 2025
What makes Sarah Geronimo’s underarms sweaty?
Latest Articles Movies

What makes Sarah Geronimo’s underarms sweaty?

Jun 24, 2015

gerry@ocampo

by Gerry Ocampo

the break up 1 Hindi ikinaila ni Sarah Geronimo na matagal na niyang crush at gustong makasama sa isang pelikula si Piolo Pascual. Kaya naman ibayong kaba at excitement ang nadarama ng singer-actress nang sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagsama sila sa “The Breakup Playlist,” isang pelikula under Star Cinema sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas.

Ayon kay Sarah nang humarap ito sa Philippine Showbiz Republic (PSR), nahirapan siya sa kanilang mga eksena ni Piolo at hindi pa rin ito makapaniwala na nasa harap na niya ang iniidolong actor.

“Hirap na hirap po ako nang gawin ko ang mga eksena with Piolo. Hindi ako makapaniwala na ito na nga at nasa harap ko si Piolo, ang guwapo kasi niya talaga at boyfriend ko pa siya sa istorya ng movie. Talagang pinagpawisan ako, maging ang kili-kili ko, pawis na pawis. Kasi ba naman nasa harap ko ang matagal ko nang pangarap na makasama sa pelikula,” kuwento ni Sarah.

“Hirap akong gawin yung mga eksena pero tuwang-tuwa naman ang puso ko. Dahil kailangan gawin ko ang eksena at maging professional as an actress ay isinantabi ko muna ang pagkagiliw ko sa kanya [Piolo] at ginawa ko kung ano ang hinihingi ng istorya,” dagdag pa ni Sarah.

When asked kung natuloy ba ang kissing scene nila ni Piolo sa movie? Naging maramot sa pagsagot si Sarah tungkol sa first kissing scene sana sa pelikula.

the breakup“Maiinggit kayo. Abangan at panoorin ninyo na lang,” sagot ni Sarah ukol sa kissing scene nila ni Piolo.

Maging ang kanilang director na si Dan Villegas ay bitin din ang naging sagot sa isyu nang kissing scene ng dalawa sa movie. Basta ang tiniyak ng singer/actress at maging ng kanilang director, maraming version raw ang kissing scene ng dalawa. May halik sa magulang at iba pa. Pero ang tunay na halik sa lips ay ayaw ibulgar ni Sarah.

Ang tiniyak niya ay walang nagalit at walang nagbawal kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Piolo. Hindi raw siya robot para diktahan kung anong hindi dapat at dapat. Tila palaban na nga ngayon si Sarah dahil wala nang makakapigil sa kanya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Yun ay base sa naging reaksyon at sagot niya sa harap ng press.

“Kung anuman po ang ginawa namin sa movie ay kailangan at dapat gawin bilang isang professional na aktor. Ginawa ko lang po ang character na ibinigay nila sa akin at ganoon din po si Piolo. Ang sarap niyang katrabaho, very professional,” pahabol pa ni Sarah.

Dahil may word na breakup sa title ng first team-up movie nina Sarah at Piolo. Tinanong sila kung ano ang magiging dahilan para sila makipag-break sila sa kanilang minamahal?

“Kung talagang wala na kayong nararamdaman na pagmamahal sa isa`t-isa. Hindi na siguro tama na magtagal at magsama pa kayo,” rason ni Piolo. Si Sarah naman ay kung wala na raw respeto sa iyo ang isang tao, lalo na yung mahal mo sa buhay. Wala na raw dahilan para kayo magsama. “Kapag wala na kasing respeto ay magagawa na niya sa iyo ang mga bagay na hindi maganda. Kaya bakit ka pa magtitiis?,” rason naman ni Sarah.

Leave a comment

Leave a Reply