
Malaki ba talaga? ‘Pansamantagal’ lead star Bayani Agbayani answers
Sa latest movie ni Bayani Agbayani titled “Pansamantagal” na leading lady niya si Gelli de Belen, mula sa Horseshoe Productions, at sa direksyon ni Joven Tan, ay masasabi niyang bago ang mga ginawa niya rito, na hindi pa niya nagawa sa mga previous films niya.
Daring kasi sila rito ni Gelli, pero hindi ‘yung dating na nag-bold sila. Ang pagiging daring nila ay idinaan nila sa mga “vulgar words” like ‘yung pagmumura at pagsasabi ng organ ng isang lalaki.
“Kinausap kami ni Direk Joven Tan isa’t-isa, lalo na kami ni Gelli. Noong hindi ko pa nakikita ang script, kinausap ko pa noon si Direk sa telepono, sinabi niya sa akin na medyo ano ‘to ha, wala ‘yung pagka-wholesome mo na gusto mong mangyari,” sabi ni Bayani nang makausap namin sa presscon ng Pansamantagal.
Patuloy niya, “Noong makita ko ang script, sabi ko, 50 na naman ako, it’s about time na gumawa ako ng mga daring roles. Hindi physically, kahit man lang verbally at saka sa istorya.
“Sabi ko, kaya ko naman ‘tong bitawan na hindi offensive. Kasi, nakikita ko naman sa gatherings na kapag nagbitaw ako ng medyo bastos, natatanggap nila.”
Sobrang natuwa nga raw si Bayani dahil kahit may mga ‘vulgar words’ na sinabi sila ni Gelli sa pelikula, ay naging positibo pa rin ang pagtanggap ng tao sa trailer nito, na nang i-upload nila ito sa Youtube ay umabot na agad ito ng 7 million views, sa ilang araw pa lang na nai-upload ito.
“Sabi ko nga, buti tinanggap nila. Pati ‘yung kay Gelli, tinanggap nila. Kasi, alam ninyo, merong itsura ang tao na alam nila na hindi ka naman ganun kahit sabihin mo ‘yung mga ganung salita, tinatanggap nila.
“Alam din nila kapag hindi mo sinabi at alam din nila kung bastos ka talaga. Alam nila yun.”
Sa trailer ng pelikulang “Pansamantagal” tinanong ng karakter ni Gelli bilang si Agnes si Bayani ng “Malaki din ba ang t*t* mo?”
Sa totoong buhay, naranasan na ba niya sa personal na may nagtanong sa kanya kung malaki ang kargada niya?
“Wala naman,” natatawang sagot ni Bayani.
“Pero ngayon, marami na ang nagtatanong. Pati sa mga threads-threads, “Malaki ba talaga? Sabi ko, kayo naman, ano lang ‘yan,” natatawang sabi pa ni Bayani na ang role sa “Pansamantagal” ay isang writer.
Showing na ang “Pansamantagal” sa March 20, 2019.