May 22, 2025
‘Man and Wife’ not a ‘Gulong ng Palad’ remake
Latest Articles

‘Man and Wife’ not a ‘Gulong ng Palad’ remake

Apr 29, 2019

Nilinaw ng magaling at award-winning director na si Laurice Guillen na hindi remake ng classic hit at radio drama at TV soap na Gulong ng Palad namayagpag noong dekada 70 at 80 na pinagbidahan nina Marianne dela Riva at Ronald Corveau ang pelikulang Man and Wife na kanyang idinirehe.

Gayunpaman, na-retain ang mga pangalan ng mga pangunahing karakter dito pero iba na ang iniinugan ng kuwento nila.

Sey pa niya, kuwento ito ng mag-asawa na dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon na kumpara sa sinubaybayang soap ay may modern touch.

Aniya, makaka-relate raw ang sambayanang Pilipino dahil tipikal na kuwento nila ito.

Ayon sa kanya, tinatalakay dito ang usual na problema ng mag-asawa sa kanilang mga in-laws, ang mga selosan at di pagkakaunawaan ng husband and wife dahil sa kakulangan ng komunikasyon at tiwala sa isa’t isa.

Tsika pa niya, wala raw naman siyang naging problema sa kanyang mga biyenan noong nabubuhay pa ang kanyang mister na si Johnny Delgado.

“Hindi kasi tulad ng kuwento ng Luisa, maliwanag na hindi naman kasi nakatira sa kanilang bahay. Pag dumadalaw naman kami, nandoon iyong respeto. Hindi naman kasi pinakita ng asawa ko at very clear iyong love niya sa mother  niya at love niya sa akin, at saka hindi tulad ng karakter sa kuwento, hindi naman iyong husband ko iyong tipong may itinatago sa kanila,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, mapalad din siya dahil hindi tulad ng iba’t esposa, hindi nakaugaliang makialam ng kanyang biyenan sa kanilang buhay lalo na sa bahay nila na siya ang itinuturing na reyna.

Bilang pre-Mother’s day presentation sa Mayo 8, tribute rin daw ito sa mga ina.

Pagbabahagi naman niya, bilang ina, hindi raw siya perpekto at may pagkukulang  din siya sa kanyang mga anak lalo na noong panahong lumalaki ang mga ito dahil busy siya sa paggawa ng pelikula.

“Sabi nga ni Ina (Feleo, her daughter), nu’ng maliit pa siya, medyo maldita siya dahil lagi niyang pinahihirapan ‘yung yaya niya para umalis ‘yung yaya para mapilitan ako na alagaan siya. So, I would consider that a failure in a way na hindi ako hands-on mother in a hundred percent or in a 90 percent because I was a working mother,” kuwento niya.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil  lumaking independent, loving and caring ang mga anak niya at higit sa lahat, hindi napariwara o nalulong sa anumang bisyo tulad ng droga.

Ginagampanan ni Jodi Sta. Maria ang papel na Luisa na dating binigyang-buhay ni  Marianne at si Gabby naman ay si Carding.

Si Liza Lorena naman bilang Menang ang gumaganap sa pakialamerang ina ni Carding na ginampanan ni Tita de Villa sa orihinal na bersyon.

Kasama rin sa cast sina Edgar Allan Guzman bilang Totoy, Francis Magundayao bilang Peping at Denise Laurel bilang Mimi.

Mula sa Cineko Productions at Star Cinema, palabas na ang ‘Man and Wife’ sa buong bansa simula sa Mayo 8 bilang Mother’s Day presentation.

Leave a comment