May 24, 2025
Manila Vice Mayor Isko Moreno bids his mentor goodbye
Home Page Slider Latest Articles

Manila Vice Mayor Isko Moreno bids his mentor goodbye

Jan 14, 2016

by PSR News Bureau

isko moreno

Grabe ang pagiging emosyonal ni Manila Vice Mayor Francisco Domagoso, mas kilala bilang si Isko Moreno sa necrological service para sa yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

Nagbalik-tanaw si VM Isko kung paano siya nadiskubre sa showbiz at nag-audition sa “That’s Entertainment” noong 1993 kung saan isa siya sa maraming talents na hinubog ni Kuya Germs sa industriya. “Tinanong ako ni Kuya Germs noon, ‘Marunong ka bang kumanta?’ ‘Hindi ho.’ ‘Marunong ka ba umarte?’ “E, kapag hindi ko sinagot kung marunong ako umarte, hindi na ako matatanggap. So sabi ko, ‘Marunong po.’ Tapos may skit na gagawa ka ng character. Nagawa ko naman.’”

Ayon pa kay VM Isko, sa dinami-dami ng nag-audition noon para sa ‘That’s Entertainment,” pinalad daw siya na pumasa sa 300 na nandoon noon. Habang-buhay daw niyang tatanawin bilang malaking utang na loob kay Kuya Germs kung nasaan man siya ngayon. “If it wasn’t for that opportunity, wala ako sa harapan ninyo ngayon. Malamang basurero pa rin ako…”

“I am a nobody. But he [Kuya Germs] gave me an opportunity,” naluluhang pahayag ni Isko.

isko moreno 1Hindi naman kaila sa lahat na dating magbabasurero lang si Isko. Si Kuya Germs ang isa sa tumulong sa kanya upang magbago ang kanyang buhay. Dito unang unti-unting umangat ang kumpiyansa niya sa sarili hanggang sa maabot na niya ang kanyang tagumpay.

Huling nakasama ni Isko si Kuya Germs noong magpatingin ito sa doktor at bumisita ito sa tanggapan niya noong December 27. Marami raw aral sa buhay ang itinuro ni Kuya Germs sa kanya kabilang na ang pagiging palaging propersyonal sa trabaho. Kabilin-bilinan daw nito na “Huwag maging pasakit sa set. Mas mabuting ikaw ang naghihintay kaysa ikaw ang hinihintay. Next time, hindi ka na nila kukunin kapag pasakit ka.”

Natuto rin si Isko na maging masinop sa buhay nang dahil kay Kuya Germs. Lahat ng pera na kanyang kinikita sa pag-aartista ay kanyang inilalaan sa mabuting lugar. Batid kasi niya na hindi habang-buhay ang pag-aartista. Sabi niya [Kuya Germs] dati, ‘Kasi alam mo, Isko, kapag nagka-wrinkles ka na, may papalit sa’yo na mas bata, mas guwapo, at mas magaling sa’yo. Darating ang oras na sila naman ang sisikat, kaya dapat maghanda ka.’”

Halos lahat ng artista sa industriya ng showbiz ay nagbigay pugay kay Kuya Germs. Patunay na talagang malaki ang naiambag nito sa Philippine entertainment industry. “Si Kuya Germs ang nagpa-umpisa ng lahat. Sunday shows, yung walang tulugan, pati na yung “That’s Entertainment.” Ginawa lahat ni Kuya Germs para mabigyan ng oportunidad ang nakararami,” pagpapatuloy ng kuwento ni Isko sa kanyang pinakamamahal na ‘tatay-tatayan.’

isko 3Bilib din si Isko at ipinagmalaki din niya ang isang trait ni Kuya Germs, ang loyalty nito. “He was once offered a big amount of money and a good spot somewhere else. Kinausap niya ako, ‘In-offer-an ka ba? Bakit hindi mo tinanggap?” “You know what he said? ‘Nakakahiya kay Mr. Menandro Jimenez Sr. [dating presidente at CEO ng GMA]. Okay na ako dito, masaya na ako.”

Ipinamalas daw ni Kuya Germs sa kanya ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. “Even if others won’t believe you, he will believe in you,” pagtatapos ni Isko.

Ngayong Huwebes, January 14, ihahatid na sa kanyang huling hantungan si Kuya Germs sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

.

Leave a comment

Leave a Reply