May 23, 2025
Manny Pacquiao declares: “After my fight on April 9th with Bradley I’m going to retire from boxing.”
Home Page Slider Latest Articles Sports

Manny Pacquiao declares: “After my fight on April 9th with Bradley I’m going to retire from boxing.”

Jan 6, 2016

by  Justin P

Pacquiao vs Bradley second Fight ResultNagpahayag na nang kagustuhang mag-retiro si Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao. Sinabi ito ni Cong.Pacquaio na tatakbo bilang senador sa darating na eleksyon sa buwan ng Mayo. Naitakda na kasi ang susunod na laban ni Pacquiao sa darating na Abril 9 kung saan makakalaban niyang muli si Timothy Bradley. Ayon kay Pacquiao, ito na ang kanyang magiging huli niyang laban at nakatakda na siyang tuluyang magretiro sa boksing.

“After my fight on the April 9th, I’m going to retire from boxing,” ani ni Pacquiao na katatapos lang magdiwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang buwan.“My April 9 fight against Timothy Bradley will be my last. I’m retiring from boxing to focus on my new job [bilang isang senador kung papalarin siyang manalo].”

pacquioMay ilan pa ring pinagdududahan ang pagsasabi nito na pagreretiro. Ang iba’y nagsasabi na hindi pa raw magreretiro si Pacquiao hangga’t hindi pa nito nakukuha ang rematch na gusto niya laban kay Floyd Mayweather Jr. kung saan tinalo nga siya nito noong nakaraang Mayo na isa sa pinakaabangang laban ng mga tao.

“I never said that. Nobody spoke to me about that,” bulalas ni Pacquiao.

Matagal din napahinga si Pacquiao pagkatapos ng naging laban niya kay Mayweather at buong taon itong nagpagaling ng kanyang surgery sa balikat na di umano’y na injured noong laban nila.

Sa panig naman ni Bob Arum na boxing promoter, itong laban ay magiging “Tough Sell” at hindi niya ito ibebenta bilang Pacquiao-Bradley III farewell fight ng Filipino ring icon.

pacquio 3“I don’t want to say that. I’m not going to sell it as that because I don’t want everybody to say, ‘Hey, it’s his last fight, come and see it!’ and then it turns out that it’s not his last fight,” sabi naman ni Arum.

“Who the hell knows with these guys? They all change their minds so I’m not selling it as his last fight. He says it’s his last fight but who the hell knows?” dagdag niya.

Malinaw lang na maging si Arum ay hindi kumbinsido na ito na nga ang magiging huling laban ni Pacquiao sa boksing ring dahil posible pa ring magbago ang isipan ni Pacquaio tungkol sa pagreretiro nito.

Leave a comment

Leave a Reply