May 22, 2025
Marc Cubales pursues acting, business
Latest Articles

Marc Cubales pursues acting, business

Jul 1, 2017

MADALAS sa UK namamalagi ang showbiz personality na si Marc Cubales bilang model pero  nang dumating ang offer sa kaniya na gumawa ng pelikula ay napauwi siya ng Pinas para sa naturang proyekto.

Bilang preparasyon sa gagawin niya , nagpapapayat ngayon si Marc para gumanda lalo ang kanyang katawan. Excited siya dahil makakaarte na siya sa higanteng telon.

Bukod sa pagiging modelo, kilala siya bilang negosyante na halos yata ng klase ng negosyo ay alam niya. Kabilang dito ang buy and sell business at marami siyang pinapaupahang apartment at condo.

Sa ngayon ay papasukin niya ang resto business at sinabi niyang kakaiba ito dahil may pagka-international ang dating. Masyado raw magastos ayon sa kaniya pero naniniwala siya na positibo ang kahihinatnan nito gaya na ng mga nauna niyang pinasok na negosyo.

Siyangapala, tuloy pa rin ang kaniyang mga charity work at ito ay labis niyang ikinatutuwa dahil iba raw ang pakiramdam  kapag nakakatulong sa kapwa.

Leave a comment