May 25, 2025
Marco Gallo clarifies he’s not a user
Latest Articles

Marco Gallo clarifies he’s not a user

Feb 22, 2019

Pagkatapos pansamantalang iwan ang showbiz noong Hulyo noong nakaraang taon para mag-concentrate sa kanyang pag-aaral sa Italy, balik showbiz ang Kapamilya teen actor at former PBB housemate na si Marco Gallo.

Ayon pa kay Marco, for good na raw ang pamamalagi niya sa Pilipinas at gusto niyang i-grab lamang ang oportunidad kung may offers siya sa pag-aartista.

“Iyong pagbabalik ko, it’s not actually all about showbiz. Ang gusto kong balikan ay ang Pilipinas, to stay in the country… and to stay in the country, kailangan mo to have work and it was sa showbiz na nakilala ako, so why not grab the opportunity?” sey niya. “I really love the Philippines. It’s the country that welcomes you whatever iyong choice ko, kahit ano iyong pagkatao mo, iwe-welcome ka nila with open heart.  Siyempre, you also have to respect the Filipinos,” dugtong niya.

Hirit pa ni Marco, sa kanyang pagbabalik, gusto niyang makilala sa kanyang sariling merito bilang actor, may partner man siya o wala.

Ngayong wala siyang official na ka-love team, aminado rin siyang nagkaroon siya ng adjustments.

“It’s part of the work. Happy naman ako kahit wala akong ka-loveteam. It does not mean naman na your career will not move on kapag wala kang ka-love team. In part, oo. In part, hindi kasi  I want to embrace the new challenges of my job,” paliwanag niya.

Tungkol naman sa isyung ginagamit lang niya umano si Juliana Gomez, anak nina Goma at Lucy para mapag-usapan, mariin niya itong idinenay.

“Sa tingin ko naman po, sa mga nagsasabi ng ganoon, siguro po, kilalanin po muna natin ang mga tao at kung anong pinagdaanan nila,” banayad na tugo niya. “And I don’t find a reason to use that, because she’s not even in showbiz… and she’s been so nice to me, so why should I use her? Parang ganoon. I  mean, she gave me her friendship and that’s important. That’s such a big thing, na hindi lahat ng tao, ang ibinibigay ngayon, hindi mo alam kung totoo sila sa ‘yo o hindi ba. So, I’m happy that I can trust her. Parang ganoon,” dugtong niya.

Hirit pa niya, naiintindihan din daw niya kung sakali mang totoo na itinatanggi ng dalaga ang naging relasyon nila noon.

“Ano, it’s fine, ‘cause din naman, at first, I was denying it.I didn’t want nga na… if it’s not needed to make it public, I don’t want ‘cause it’s my life, it’s private, and I want to keep it, not as possible, but as private,” paliwanag niya. “Feeling ko, lahat tayo may damdamin, may feelings, and maybe I was not ready yet to tell the whole world what I felt for her dati, and stuff like that.That’s why we were all denying it, until it’s done na, it’s past,”pahabol niya.

Sey pa niya, hindi raw naman siya nahu-hurt kahit pa idinidenay siya ng kampo ng mag-amang Goma at Juliana.

“Wala naman akong ganung effect na… kasi naipagpaalam ko naman, so okey. For me, the important thing is kahit buong world hindi alam, at least sila, alam,” esplika nia. “Kasi before Juliana, there were some relationship stuff na nasabi yung showbiz, and it affected our relationship.

“So, by experience, I don’t wanna… if in case may maka-love team po ako or kahit ano po iyon, ayaw ko na muna ma-affect ba yung friendship namin,” dugtong niya.

Pinaninindigan naman ni Marco na walang masama sa ginawa niyang pag-amin na nagkaroon sila ng short-lived relationship ni Juliana kahit pa hindi mutual ito dahil walang kumpirmasyon sa parte nina Juliana at sa ama nitong si Goma.

Hindi rin daw siya iyong tipong ‘kiss and tell’ dahil pagpapakatotoo lamang daw sa sarili at pagpapahayag ng kanyang damdamin ang kanyang ginawa.

“Kasi, lalabas at lalabas din ang katotohanan, di ba? Kaya, bakit naman hindi? Wala namang masamang bagay doon. Lahat naman tayo, nagkaka-dyowa, di ba, kaya iyon po,” pagklaklaro niya.

Kahit hiwalay na raw sa isa’t-isa, nananatili raw namang magkaibigan sila ni Juliana at naging maayos daw naman ang kanilang naging paghihiwalay since pareho pa raw naman silang mga bata para seryosohin ang lahat.

Balik-showbiz si Marco dahil isa siya sa mga miyembro ng Familia Blondina,ang comedy event of the year na palabas na simula sa Pebrero 27.

Mula sa produksyon ng Artic Sky Production ng eye doctor turned producer na si Dennis Aguirre at ng Cine Screen at sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, tampok din sa Familia Blondina sina Karla Estrada, Jobert Austria, Kira Balinger, Heaven Peralejo, Chantal Videla, Xia Vigor, Awra Briguela at marami pang iba.

Leave a comment