May 24, 2025
Marian Rivera and Dingdong Dantes prepares for baby Zia’s baptism
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles

Marian Rivera and Dingdong Dantes prepares for baby Zia’s baptism

Feb 10, 2016

by PSR News Bureau

letiziaSobrang cute ng baby Zia nina Marian Rivera at Dingdong Dantes base na rin sa mga larawan nito lalo na ang latest kung saan makikita si baby Zia na bagong paligo lang at kitang-kita ang malalim nitong dimples na namana niya sa kanyang ina. Hands-on daw parehas ang Kapuso Primetime King and Queen sa pag-aalaga sa kanilang panganay na anak. Sadyang napakagandang baby nga ni Zia at unti-unti nang nakikita ang mga physical traits na nakuha nito sa kanyang mga magulang.

Ayon kay Dingdong, inihahanda na nga raw nila ang binyag ni Zia. Nagpadala na nga raw sila ng mga imbitasyon sa mga piling bisita. Ilan sa kukunin nilang magiging godparents ni Zia ay sina Ai Ai Delas Alas, Teena Barretto (na naging wedding planner ng sila’y ikinasal) at ang events stylist na si Gideon Hermosa.

Madaragdagan pa nga raw ang listahan ng mga ninong at ninang ni baby Zia. Ilan dito ay ang malalapit na kaibigan at kamaganak nina Marian at Dingdong sa loob at labas ng showbiz.

maria letizia

Ngayon pa lang ay dagsa ng commercial offers ang mag-asawa dahil kay baby Zia. Pero pinag-iisipan pa nina Marian at Dingdong kung tatanggapin nila ito. Mas gusto daw kasi nilang bigyan muna ng privacy ang anak at masyado pa raw maaga para mailagay si Zia sa limelight. Si Marian naman ay sobrang nage-enjoy sa pagbi-breastfeed niya kay Zia. Hindi daw niya kayang ipagpalit ang pagiging isang nanay kahit anong mangyari. Kaya naman, hindi pa siya tumatanggap ng anumang proyekto magmula nang makapanganak siya kay Zia.

Leave a comment

Leave a Reply