
Marian Rivera and Dingdong Dantes are expecting their first child
by PSR News Bureau
Kumpirmadong buntis na si Marian Rivera pagkatapos ng panayam sa kanila ng asawang si Dingdong Dantes kagabi, April 13, sa GMA 7 news program na “24 Oras”.
“Gusto naming na nagbunga yung aming pagmamahalan at nabiyayaan kami ng Panginoon ng isa sa pinakamagandang regalo na pwedeng ibigay and that’s the gift of life,” panimula ni Dingdong.
“Yun din ang isa sa dahilan kaya kami nagpursiging magpakasal; it’s to really build a family. And alam naman natin na ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga mahahalagang bagay para magkaroon ng isang pamilya,” dagdag pa ng Kapuso Primetime King.
“Magmula po noon, ipinagdasal na naming na kung anuman ang ibibigay sa amin, ibigay po sa tamang panahon.”
Nang matanong ang couple kung ano ang gusto nilang maging anak, kung babae ba o lalaki bilang kanilang magiging panganay, sabi ni Dingdong: “With regards to the gender, kumbaga, one step at a time. Ngayon po nagpapasalamat kami sa biyaya ng buhay. Siguro okay na kami kahit anong ibigay sa amin.”
Ayon naman kay Marian, “Isa ito sa mga pangarap ko na gusto kong mangyari sa buhay ko, ang maging isang mommy kaya masaya ako at sobrang emosyonal ko na ibinigay siya sa amin.”
Nang matanong naman sina Dingdong at Marian kung ano ang pinaglilihian ng huli, sinabi ni Dingdong na napapadalas na nga raw ang pagkurot ng kabiyak nito sa kanya. “Kung yun na yung paglilihi na tinatawag nila, lately, nagustuhan ko yung White Rabbit na candy, yung kinakain yung balat at saka yung HawHaw na isang uri rin ng maputing kulay ng candy.”
Medyo nahihirapan si Marian sa kanyang pagdadalantao dahil nakakaranas daw ito ng “morning sickness.” Naging sensitibo rin ang kanyang ilong lalo na sa mga matatapang na pabango. Kahit sandaling pag-biyahe ay nagdudulot na rin ng pagkahilo kay Marian. Kaya naman, humihingi ng pangunawa si Dingdong sa fans at lahat ng kanilang taga-suporta dahil batid nito na hindi magiging madali ang pinagdaraanan ng asawa sa pagdadala ng kanilang panganay.
Sa Instagram account ni Dingdong, kinumpirma rin nito ang magandang balita. Ayon sa aktor: “We are extremely grateful because the greatest gift called life has already been bestowed upon us by God. In behalf of my wife, and our coming baby, we thank all those who prayed for, and with us. Faith really has its way of fulfilling lifelong dreams.”
Nagpakasal sina Marian at Dingdong noong December ng nakaraang taon. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations Marian and Dingdong!