May 24, 2025
Marian Rivera mum on Angelica Panganiban’s dubsmash video
Home Page Slider Latest Articles

Marian Rivera mum on Angelica Panganiban’s dubsmash video

May 29, 2015

roldan@castro
By Roldan Castro

Ayaw nang patulan ni Marian Rivera ang ‘dubsmash’ issue ni Angelica Panganiban kung saan ginamit nito ang picture niya at ni Heart Evangelista sa isang sketch sa kanilang palabas na ‘Banana Split.’

20140920141316989“Ang hirap mag-react, kaya no comment na lang ako,” pag-iwas ng Kapuso Primetime Queen nang tanungin siya tungkol dito ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa renewal of contract ng kanyang ini-endorse na beauty product.

Gusto munang umiwas ni Yan sa stress lalo na ngayong buntis siya ngayon. Ayaw din niyang mag-entertain ng mga negatibong bagay na makakaapekto lang sa kanyang kalagayan.

Samantala, pinabulaanan ni Yan na magiging co-host siya ng ‘Wowowin’ ni Willie Revillame tuwing Linggo sa GMA 7 after Sunday All Stars. Inakala kasi ng iba na para sa show ni Willie ang teaser na post niya sa kanyang Instagram Account.

“Ano ba buntis na nga ako magko-co-host pa ako?,” natatawa nitong sabi. “Pang-Talk N’ Text yun,” paglilinaw pa ni Marian. Inamin din niya na may nakaplanong Sunday show siya pero hindi pa daw yun sigurado. Ito ‘yung pagsasamahan nila ni Ai Ai Delas Alas at inintrigang inayawan niya diumano si Regine Velasquez. Aniya, paano raw niya tatanggihan si Regine, hindi pa nga nakalatag ‘yung project at naging ninang nila ito sa kasal.

“Kabaklaan ko yun bakit ko naman tatanggihan yun?,” bulalas niya.

“Wala akong tinatanggihan at wala akong karapatang tumanggi sa kahit na sinong artista. Wala, wala akong tinanggihan at kahit kailan wala akong tatanggihan na magiging katrabaho,” dagdag pa niya.

Tungkol naman sa magiging baby nila ni Dingdong Dantes, hindi pa raw nila alam kung ano ang gender. Pero happy raw sila maging lalaki man o babae ito. Ipinagpi-pray nga nila na maging normal at malusog ito.

Hindi na rin daw siya nagseselos kay Dingdong. Asawa na raw niya ito at nabuntis na siya’t lahat-lahat. Napakabait daw ng asawa niya at ipinagluluto pa siya ng oatmeal sa umaga.
Pagkapanganak niya, ayaw niya munang sundan ang baby nila. Aalagaan daw muna niya ang baby nila.

“Tapos after nun, pag feeling ko okay na siya, tsaka na lang uli,” sabi pa niya na malamang ay aabot ng two years.

Anyway, perfect endorser si Marian para sa isang beauty campaign. “I’ve been with this beauty brand for 8 years now. I use their toner and sunblock a lot. Maarte talaga ko pagdating sa skin care kasi bilang artista, we have to protect our looks. I’m glad kinuha pa rin nila akong endorser kahit buntis na ako,” deklara pa niya.

Leave a comment

Leave a Reply