June 14, 2025
Marian Rivera reveals her baby’s full name
Home Page Slider

Marian Rivera reveals her baby’s full name

Sep 30, 2015

psr a12d

by :PSR News Bureau

marian-rivera-dingdong-dantes-fans-stupidNgayon pa lang, marami ng nag-aabang sa kanyang pagdating. Sino ba naman nga ang hindi? Sa guwapong mukha ng kanyang magiging ama at kagandahan ng kanyang magiging ina, siguradong mamamana nito ang magagandang katangian ng kanyang mga magiging magulang. Kung ikaw ang supling nina Kapuso stars Marian Rivera at Dingdong Dantes, siguradong gusto kang masilayan hindi lang ng fans kung hind imaging ng mga advertisers.

marian-rivera-22Kamakailan nga ay ginanap ang isang baby shower para sa Kapuso primetime queen at dito nga ay binanggit na sa publiko kung ano ang magiging pangalan ng anak nina Marian at Dingdong. Maria Letizia ang napiling pangalan ng mag-asawa para sa kanilang unang baby. Pinili nila ang pangalang Maria dahil bukod sa parehas silang deboto ni Maria, ang ina ni Jesus, hango rin ito sa pangalan ni Marian. Matagal ding inilihim muna sa publiko ng mag-asawa ang gusto nilang pangalan ng kanilang magiging anak. Pero ngayong nalalapit na nga ang kapanganakan ng bata kung kaya’t nagpasiya na sina Marian at Dingdong na sabihin na at i-share sa publiko ang kanilang kagalakan sa pagdating ng araw kung saan makakapiling na nila si Maria Letizia.

Isang magandang pangalan para sa isang batang siguradong pagkaganda-ganda. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations, Dingdong at Marian!

Leave a comment

Leave a Reply